^

Bansa

'Maging makabayan': Sison ipinagdedeklara ng ceasefire sa gitna ng COVID-19

James Relativo - Philstar.com
'Maging makabayan': Sison ipinagdedeklara ng ceasefire sa gitna ng COVID-19
Kuha nina CPP founder Jose Maria Sison at

MANILA, Philippines — Pagkakataon na raw ni Communist Party of the Philippines founding chairpeson Jose Maria Sison na patunayang makabayan siya, sabi ng Malacañang habang kinukundena ang hindi pa rin pagtanggap ng partido sa alok nilang ceasefire sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Miyerkules nang magdeklara ng unilateral ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte, bagay na magtatapos sa ika-15 ng Abril.

"Sa panahon na ang lahat ng Pilipino, mapa-anumang uri, relihiyon o ideyolohiya ay nagkakaisa laban sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa, mas gusto pa yata ni G. Sison... na magkaroon ng gulo kung nag-aaway-away ang mga Pilipino, o nagpapatayan," wika ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa Inggles.

Umabot na ng 217 ang tinatamaan ng sakit sa bansa, habang 17 na ang binabawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Dagdag ni Panelo, "insensitive" raw ang CPP founder dahil sa hindi pa rin pagtanggap ng National Democratic Front sa alok.

"Ginintuang opurtunidad kay G. Sison na ipakita ang patriyotismo niya sa pamamagitan ng pagtahak sa kapayapaan, para na rin sa mga Pilipino," sabi pa ng tagapagsalita ng presidente.

Una nang sinabi ni Sison na pinag-aaralan nila nang husto kung tatanggapin ang ceasefire: "Ang alok ay seryosong tinitignan pa ng NDFP at CPP."

Pero dagdag ni Sison, gusto nilang tignan ito hindi lang sa konteksto ng COVID-19 ngunit pati na rin sa panunumbalik ng usaping pangkapayapaan.

"Kung seryoso talaga siya sa offer na mag-ceasfire sa NFDP, dapat pormal na ihain ito ng negotiating panel ng [Government of the Republic of the Philippines] sa NDFP negotiating panel," dagdag niya.

NPA 'tutulong vs COVID-19,' may ceasfire o wala

Samantala, sinabi naman ng Partido Komunista na nag-isyu na sila ng direktiba sa lahat ng rebolusyonaryong pwersa na magpatupad ng mass campaigns para tumugon sa banta ng COVID-19.

"May ceasefire o wala, inutusan na ang [New People's Army] na patindihin ang pagsusumikap na maghatid ng social, economic, medical at public health services sa taumbayan [sa gitna ng COVID-19]," sabi ng CPP sa isang pahayag, Huwebes.

"Sa partikular, nakikipag-ugnayan na ang mga unit ng NPA sa mga lokal na komiteng pangkalusgan. Nakikipag-ugnayan na ang mga Pulang mandirigma at taumbayan para pigilan ang pagkalat ng [sakit] sa kanilang lugar."

Sa kabila nito, sinabi ng CPP na hindi pa nila nakikitang itinitigil ng rehimeng Duterte ang pagtigil sa mga opensiba laban sa mga komunista.

Aniya, patuloy pa rin daw kasi ang combat, intelligence, psywar at suppression operations ng pulis at militar sa Abra, Mt. Province, Quezon, Mindoro, Masbate, Sorsogon, Camarines Sur, Capiz, Samar, Negros, Bukidnon, South Cotabato at iba pang mga probinsya kahit na may unilateral ceasefire na.

"[N]atatakot ang mga magsasaka sa kanayunan na baka gamitin ang emerging public health emergency para magpatupad ng mas malalang population control measures at economic blocked sa kanilang mga baryo, na lalong magpapahirap sa taumbayan," sabi pa ng CPP.

"Sa tamang panahon, magbababa ng sarili nitong unilaterail ceasefire declaration ang Partido, kapag okay na ang kondisyon at negosasyon."

Inaabisuhan din ng mga komunista ang lahat ng unit ng NPA, ang kanilang armadong hukbo, na maging alerto habang may ceasfire si Duterte.

Kabilaang kapayapaan

Samantala, patuloy namang inuudyok ng ilang peace advocates na magpatupad na ng "reciprocal ceasfire" at humanitarian response ang dalawa habang patuloy ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Gus Miclat, executive director ng International Dialogue, natutuwa sila't naghain na ng ceasfire si Duterte, na sana'y humantong daw sa pagbalik sa peace negotiation.

"Wine-welcome namin ang positive development na ito... Hinihikayat namin ang dalawang partido na magsanib pwersa para mas makatugon sa COVID-19 crisis," ani Miclat.

"Lahat ng emergency response at social protection programs para sa mga apektado ng virus ay kinakailangan."

Sabi pa ng IID, COVID-19 ang komon na problema sa ngayon ng tao, at maaaring lumala ang problema kung hindi ito masasagot nang maayos.

Kinakailangan daw na hindi maharangan ang pangangailangang humanitarian ng publiko sa mga apektadong kominidad, kung kaya't dapat daw makapag-focus ang militar sa kanilang tungkulin.

"Nakikiusap kami sa NPA na isipin munang mag-'stand down' para sa humanitarian reasons, habang tumutulong ang government security forces na tulungan ang health workers sa frontline sa panahon na ito," wika pa ni Miclat.

Sa kabila nito, sana raw ay baguhin ng gobyerno ang "estilong militar" ng gobyerno na "walang komprehensibong programa" para sa mga sektor na pinakabulnerable, gaya ng mga manggagawa't mahihirap.

Nababahala rin ang IID lalo na't tila nagagamit ang containment policies ng gobyerno para "manakot, mansikil ng demokratikong karapatan at gumawa ng human rights violations."

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

JOSE MARIA SEASON

NEW PEOPLE'S ARMY

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with