DOH: 217 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas
MANILA, Philippines — Muling umakyat ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, pagkukumpirma ng Department of Health, Huwebes.
Nadagdagan kasi ng 15 bagong kaso ang nakamamatay na sakit, dahilan para umakyat ito sa 217.
Muli namang nadagdagan ang gumaling sa COVID-19 kung kaya't nasa walo na silang lahat.
Sinasabing 48-anyos na Pilipino mula sa Cavite ang bagong nag-recover, na merong travel history sa bansang Japan.
Isinugod siya noog ika-7 ng Marso sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) noong ika-7 ng Marso ngunit na-discharge na matapos mag-negatibo nang dalawang beses.
Samantala, 17 rin ang bilang ng namamatay dahil sa sakit.
Ikilaro ng DOH na nagmula sa Bulacan ang ika-16 ng fatality (PH57), at hindi mula sa Lungsod ng Pasig, na una nang inanunsyo.
Aniya, kapamilya niya ang nakatira sa naturang Lungsod.
Kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang buong Luzon sa pagsusumikap ng gobyerno na mapigilan ang pagdami ng COVID-19.
Dahil dito, mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng kani-kanilang mga bahay ang mga residente sa nasabing pulo, maliban na lang kung kukuha ng pang-araw-araw na pangangailangan gaya ng pagkain at gamot.
- Latest