^

Bansa

P14B DOT funds vs COVID-19 'pang-uto sa publiko,' sabi ng economic think tank

James Relativo - Philstar.com
P14B DOT funds vs COVID-19  'pang-uto sa publiko,' sabi ng economic think tank
Kinukunan ng temperatura ang mga commuter bago pumasok sa libreng sakay mula sa Quezon City Government patungong Quezon City Hall.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inilagay lang para magmukhang malaki — 'yan ang bira ng IBON Foundation sa P14 bilyong Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) funds na isinama sa pondo laban sa coronavirus disease (COVID-19) at mga epekto nito.

Lunes nang ianunsyo ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P27.1 bilyong spending plan para masawata ang pagkalat ng COVID-19 at maibsan ang perwisyong naidulot nito.

Pero sabi ni Sonny Africa, malaking bahagi nito ay matagal nang na-allocate — bago pa tumama ang pandemic sa Pilipinas.

"Walang kinalaman ang P14 bilyong big-ticket TIEZA infrastructure projects sa COVID-19 response," sabi ni Africa sa Inggles, Huwebes.

"Paano natin lalabanan ang COVID-19 gamit ang Boracay water drainage, rehabilitation ng Burnham Park sa Baguio, sewage treatment plant sa Coron at masterplanning ng tourism sites?"

Kasama raw rito ang P8 bilyong board-approved projects noong 2009 hanggang 2018 at P5.2 bilyon para sa 2019 board-approved projects.

Meron pa rin daw P2.1 bilyon ang TIEZA pagdating sa "scheduled payables."

"Grabeng disservice ito sa mga manggagawang pangkalusugan natin sa frontlines, don sa mga nagtratrabaho pa rin para masigurong naihahatid ang mga batayang pangangailangan at serbisyo, at sa milyun-milyong Pilipinong na-displace ng lockdown," dagdag ni Africa.

Una nang sinabi ng gobyerno na kailangan ang naturang pondo lalo na't pinakagrabe raw ang epekto ng COVID-19 threat sa turismo.

Pebrero pa lang nang sabihin ng Capital Economics na lubhang aaray ang turismo ng Pilipinas dahil sa paglaganap ng virus.

"Tatama sa paglago [ng ekonomiya] ang coronavirus outbreak ngayong kwarto. Bagama't mas insulated ang Pilipinas kumpara sa iba pang mga rehiyon, labis na tatamaan ang tourism sector," sabi ng report.

"Labis kasi ang paglaki ng arrivals mula sa Tsina bago dumating ang virus."

Matatandaang nagpataw ng ban ang Pilipinas sa tourist arrivals mula sa mainland China, na pinagmulan ng COVID-19, dahil sa banta ng sakit.

Bukod sa pera sa TIEZA, narito nakalaan ang P27.1 bilyon:

  • P3.1 bilyon pondo laban sa pagkalat ng COVID-19, kasama ang pagbili ng test kits. Nagmula ang pera sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Asian Development Bank (ADB)
  • P2 bilyon mula sa pondong naitabi ng Department of Labor and Employment para sa social protection programs para sa bulnerableng manggagawa, na gagamitin bilang "wage subsidy" at tulong pinansyal sa establisyamento't manggagawang naapektuhan ng COVID-19
  • paggamit ng P1.2 bilyon mula sa Social Security System (SSS) para sa unemployment benefits ng manggagawang madi-displace
  • scholarship programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na aabot ng P3 bilyon para suportahan ang mga naapektuhan at temporarily displaced workers sa pamamagitan ng "upskilling" at "reskilling"
  • P2.8 bilyon para sa Survival and Recovery (SURE) Aid Program ng Department of Agriculture-Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC), na magpapautang ng hanggang P25,000 kada tao nang walang interes para sa "smallholder farmers" at mangingisdang apektado ng kalamidad at sakuna.
  • P1 bilyong inilaan ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa "Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso" (P3) Microfinancing special loan package ng Small Business Corp. (SBC) para sa apektadong micro entrepreneurs/micro, small and medium enterprises (MSMEs). 

Umabot na sa 202 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang pumasok ang virus sa bansa, habang 17 na ang namamatay sa sakit.

DEPARTMENT OF TOURISM

IBON FOUDNATION

NOVEL CORONAVIRUS

SONNY AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with