^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas aabot ng 75,000 kung 'di masawata — DOH

Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas aabot ng 75,000 kung 'di masawata — DOH
Makikitang nag-aagawan ng masasakyan ang daan-daang komyuter matapos ipatupad ang "community quarantine" kaugnay ng pagkalat ng COVID-19.
The STAR/Edd Guman

MANILA, Philippines — Maaaring pumalo sa 75,000 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) kung hindi agad ito makokontrol sa Pilipinas, ayon sa taya ng Department of Health, Miyerkules.

Pwede itong mangyari sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

"Sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, pwedeng rumurok kung saan 75,000 ang pwedeng magkaroon ng infection," sabi ni Vergeire sa magkahalong Inggles at Filipino sa "Laging Handa" press briefing.

Kanina lang nang sabihin ng DOH na nadagdagan ng anim na panibagong COVID-19 cases sa Pilipinas, dahilan para umabot ang kaso sa 193.

Sa pagsusuri ng mga dalubhasa, posible raw na makahawa ng dalawang tao ang may COVID-19 "sa isang upuan lang."

Pagkontrol sa bilang

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na posible pa ring makontrol ang pagsipa ng mga bilang, basta't magpapatupad ng mga mahihigpit na panuntunan.

"Ibig sabihin pwede pa nating i-spread across many months yan if we only can implement stringent measures katulad nitong social distancing," banggit ni Vergeire.

Tumutukoy ang social distancing sa:

  • pag-iwas sa mga matataong lugar
  • pag-iwas sa pagbeso-beso, pagyakap at paghalik
  • paglayo ng isang metro sa mga taong umuubo o bumabahing

Martes nang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Pilipinas dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19 infections sa bansa. 

Sa ngayon, 14 na ang namamatay habang pito na ang gumagaling sa mga nahawaan.

Nagdeklara na rin ng "enhanced community quarantine" sa buong Luzon si Digong, kung kaya't inuutusan ang 55 milyong katao na manatili sa kani-kanilang mga bahay ng isang buwan.

Maaari lang umalis ng bahay ang mga residente para bumili ng pagkain, gamot at iba pang batayang pangangailangan.

Ipinagbabawal pa rin ang mga "mass gathering" at suspendido ang pampublikong transportasyon habang isinasagawa ang isang buwang quarantine. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with