^

Bansa

Lamay dapat paiksiin

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Para ‘di kumalat ang virus

MANILA, Philippines  — Iniutos ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang agad na paglibing sa mga patay mula 24 oras hanggang tatlong araw upang maiwasan ang pagbuklod ng maraming tao sa mga lamayan na banta sa pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Albano na isa sa mga potensiyal na pinagmumulan ng pagkahawa sa COVID-19 ay ang pagdadalo sa burol ng patay na malimit dinadaluhan ng mga bisitang mula ibang bansa at lugar na may kumpirmadong kaso ng Pandemic. 

Aniya, dahilan ng mahabang burol ng namatayan ay ang kawalan ng pera upang maipalibing agad ang yumao.

Dahil dito napipilitan magpasugal ang mga naulila upang makaipon ng “tong” na pandagdag sa gastos ng pagpapalibing.

Upang maibsan ang pagdadalamhati, nag-alok si Albano sa mga naulila ng pinansiyal na tulong o di kaya kabaong at pagpapalibing sa yumao.

Sinai rin niya na ang guidelines sa maiksing burol ay habang umiiral lamang ang Enhanced Luzon Community Quarantine na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19.

COVID-19

RODOLFO ALBANO III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with