^

Bansa

Pilipinas isinailalim sa 6-month 'state of calamity' ni Duterte

James Relativo - Philstar.com
Pilipinas isinailalim sa 6-month 'state of calamity' ni Duterte
"Idinedeklara ang State of Calamity sa kabuuan ng Pilipinas na tatagal ng anim (6) na buwan, maliban na lang kung bawiin o palawigin depende sa sirkumstansya," sabi ni Digong sa Inggles.
Presidential Photo/Joey Dalumpines, File

MANILA, Philippines (Update 1, 7:08 p.m.) — Isinailalim na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Pilipinas sa "state of calamity" kasunod ng pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa Proclamation 929, na pinetsahang ika-16 ng Marso, sinabi ni Digong sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang sumusunod:

"Idinedeklara ang State of Calamity sa kabuuan ng Pilipinas na tatagal ng anim (6) na buwan, maliban na lang kung bawiin o palawigin depende sa sirkumstansya," sabi ni Digong sa Inggles.

Inilabas sa media ang balita matapos sabihin ng Department of Health na umabot na ng 187 ang dinadapuan ng COVID-19 sa Pilipinas, Martes.

Ayon sa Republic Act 10121, idinedeklara ang state of calamity tuwing may:

  • mass casualty
  • matinding pinsala sa ari-arian
  • pagkasira ng kabuhayan, kalsada at normal na pamumuhay ng tao dahil sa "natural or human-induced hazard"

Ayon sa Section 16 ng batas, maaaring mag-warrant ng "international humanitarian assistance" ang deklarasyon ni Duterte, depende sa pangangailangan.

Maaaring irekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangulo ang deklarasyon ng state of calamity sa mga baranggay, munisipalidad, lungsod, probinsya.

"Pormal na inirekomenda ito ngayong araw," ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal sa panayam ng Philstar.com. Aniya, Lunes pa nagsimula ang mga pulong sa pagrerekomenda ng nito. 

Patuloy pa rin naman daw ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa kauuan ng Luzon hanggang ika-12 ng Abrilo 2020, maliban kung bawiin o pahabain pa.

Inaatasan din ang lahat ng ahensya ng gobyerno at local government units na magbigay ng kanilang tulong at pakikipag-ugnayan sa isa't isa: "[Kailangan nilang] mamobilisa ang mga kinakailangang rekurso para makapagpatupad ng kritikal, agaran at wastong disaster response aid and measures sa lalong madaling panahon upang masawata at mapuksa ang banta ng COVID-19."

Inaatasan na rin ang lahat ng law enforcement agencies, sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, para siguruhin ang "peace and order" sa mga apektadong lugar, depende sa pangangailangan.

"Ang Executive Secretary, Secretary of Health at lahat ng iba pang concerned heads ng departments ay inuutusang maglabas ng mga guidelines na gagabay sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon," dagdag pa ng dokumento.

Dahil sa pag-iral ng bagong quarantine procedures, pinaghihigpitan ang paglabas ng bahay, suspendido ang mga transportasyon, regulado ang pagbibigay ng pagkain at serbisyong pagkalusugan at pinatindi ang presensya ng pulis at militar. — may mga ulat mula kina Franco Luna at The STAR/Christina Mendez

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

STATE OF CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with