^

Bansa

'Enhanced community quarantine' idineklara sa buong Luzon

James Relativo - Philstar.com
'Enhanced community quarantine' idineklara sa buong Luzon
Kuha ng mga armadong Philippine National Police na matatagpuan sa mga itinayong checkpoints na naghihigpit sa paglabas-masok sa Metro Manila.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines (Update 1, 3:56 p.m.) — Kinumpirma ni presidential spokesperson Salvador Panelo na inilagay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa "enhanced community quarantine" ang buong Luzon kasunod ng pagdami ng kaso't namamatay sa coronavirus disease (COVID-19).

"PRRD just announced an enhanced community quarantine in the entire Luzon," banggit ni Panelo sa ulat ng GMA News.

Kaiba sa naunang Metro Manila community quarantine, suspendido na ang transportasyon at ilalagay sa "striktong home quarantine" ang bawat kabahayan.

Nangangahulugan din ito ng mas pinatinding presensya ng uniformed personnel para maipatupad ang quarantine procedure, habang ireregula naman ang probisyon ng pagkain at essential health services.

Dagdag ni Panelo, susunod naman daw ang iba pang detalye sa panibagong deklarasyon ni Digong.

Simula nang ipatupad ang community quarantine noong Linggo sa National Capital Region, pinagbabawalan ang domestic na paglalabas-masok sa kabuuan ng Metro Manila.

Kanina lang nang sabihin ng tagapagsalita ng pangulo na irerekomenda niya at ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagpapatupad ng isang "total lockdown" kay Duterte.

Kasalukuyang nasa 140 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, habang 12 na ang namamatay.

Una nang sinabi ni Duterte na ayaw niyang gamitin ang salitang "lockdown," kung kaya't "community quarantine" ang kanyang ginamit. Pero lockdown daw talaga ito.

"For Manila, may... Ayaw namin gamitin ‘yan pero.. kasi takot kayo sabihin 'lockdown.' But it’s a lockdown," sabi ng presidente sa isang talumpati noong isang linggo.

Gayunpaman, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na iba sa lockdown ang ipinatutupad sa NCR.

"It’s not a lockdown, we are under community quarantine. Iba ang connotation, ang daming interpretation pag sinabing lockdown. Wala ng cargo, food supply kaya nagpapanic ang mga tao. Deliberately, we do not use it," wika niya. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

COMMUNITY QUARANTINE

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with