DTI: Sapat ang suplay ng bigas, pagkain, gamot at disinfectants

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, tiniyak ng mga manufacturer ng basic goods na bukod sa sapat pa ang regular stocks sa kanilang warehouse na kakaya­ning isuplay sa loob ng humigit-kumulang sa isang buwan, maaari silang agad na magprodyus ng kakailanganin.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi kailangang mag-panic buying dahil sapat ang suplay ng mga pangunahing panga­ngailangan sa bansa, sa gitna ng COVID-19 outbreak.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, tiniyak ng mga manufacturer ng basic goods na bukod sa sapat pa ang regular stocks sa kanilang warehouse na kakaya­ning isuplay sa loob ng humigit-kumulang sa isang buwan, maaari silang agad na magprodyus ng kakailanganin.

Tiniyak din ng Natio­nal Food Authority (NFA) na may sapat na imbak ng bigas sa bansa.

Sa retail, siniguro rin ng supermarket officers ng Robinsons, SM at Puregold na regular ang imbentaryo nila na may imbak para sa 2 buwan.

Gayundin ang Mercury drugstore ay nagsabing may stock sila ng pang-isang buwan na gamot.

Ang mga gumagawa naman ng disinfectants na Green Cross Inc. at Philusa Corp. na sapat pa para sa ilang buwan ang kanilang suplay at patuloy sa pagpo-pro­dyus depende sa demand ng merkado.

Show comments