^

Bansa

'Lockdown' hindi pa ipinag-uutos vs COVID-19, sabi ng PNP, DILG

James Relativo - Philstar.com
'Lockdown' hindi pa ipinag-uutos vs COVID-19, sabi ng PNP, DILG
Kumakalat kasi ngayon ang isang "conference notice" ng PNP kaugnay ng diumano'y lockdown na ipapatupad sa iba't ibang sulok ng Metro Manila.
The STAR/Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government na hindi pa inuutos ng pamahalaan ang pagbabawal sa pagpasok at paglabas sa ilang parte ng Kamaynilaan bilang tugon sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

"[P]lease be advised that the PNP has not issued any order for a lockdown in the NCR," sabi ni PNP spokesperson Benigno Durana sa ulat ng DWIZ.

Kumakalat kasi ngayon ang isang "conference notice" ng PNP kaugnay ng diumano'y lockdown na ipapatupad sa iba't ibang sulok ng Metro Manila.

Sa papel, sinasabing pag-uusapan ng mga kinatawan ng PNP, Joint Task Force-National Capital Region, National Disaster Risk Reduction and Management Council at Department of Health ang "lockdown in certain areas in NCR relative to CoViD-19."

Pero paliwanag ni DILG spokesperson Jonathan Malaya, contingency planning lang ang nangyari sa nasabing meeting.

"Ang ibig sabihin, naghahanda lang sila if they are going to be ordered [na magpatupad ng lockdown]," sabi ng tagapagsalita ng ahensya, na nangangasiwa sa PNP.

Napagalitan pa raw ni Malaya ang nagpangalan sa memorandum lalo na't nakalilikha raw ito ng takot hindi akma sa layunin ng pulong: "Kailangan contingency planning, or preparations for a possible... Kailangan ganoon ang title."

Una nang sinabi ni Malaya na tanging ang Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring mag-anunsyo ng lockdown sa huli't huli upang ma-contain ang nakamamatay na sakit.

Oras na maideklara ito sa ilang lugar, pagbabawalan ang paglabas-masok ng mga tao gaya ng ginagawa sa Tsina at Italya.

Kasalukuyang nasa 49 na ang tinatamaan ng sakit sa Pilipinas habang dalawa na sa kanila ang namamatay.

Kahapon lang nang ideklarang "pandemic" ng World Health Organization ang kalagayan pagdating sa pag-contain ng sakit, lalo na't 118,000 na ang kumpirmadong tinamaan nito sa buong mundo — na kalat-kalat sa 114 bansa.

Sa bilang na 'yan, sinasabing 4,291 na ang namamatay. — may mga ulat mula sa News5

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with