MANILA, Philippines (Update 3 3:22 p.m., March 12) — Sari-saring opisyal ng gobyerno na ang nagkusang nagpa-quarantine bilang tugon sa banta ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).
Pero sinu-sino na nga ba sila?
Gabinete:
- Executive Secretary Salvador Medialdea
- DOTr Secretary Arthur Tugade
- DOTr Asec. Goddes Hope Libiran
- NEDA Secrertary Ernesto Pernia
- BSP Governor Benjamin Diokno
- DBM Secretary Wendell Avisado
- DOF Secretary Carlos Dominguez
- DPWH Secretary Mark Villar
- BCDA President Vince Dizon
Lehislatura:
- Sen. Sherwin Gatchalian
- Sen. Nancy Binay
- Sen. Sonny Angara
- Sen. Sen. Panfilo Lacson
- Sen. Imee Marcos
- Sen. Francis Tolentino
- Davao Mayor Sara Duterte-Carpio
- Davao Rep. Isidro Ungab
Local government units:
- Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso
- Navotas Rep. John Reynald Tiangco
- Navotas Mayor Toby Tiangco
- Navotas Vice Mayor Clint Geronimo
- Caloocan Mayor Oscar Malapitan
- Malabon Mayor Antolin Oreta
- Valenzuela Rex Gatchalian
Ayon kay Binay, napagdesisyunan niya ang pagse-self quarantine upang mabantayan ang sarili sa susunod na 14-araw.
"Dumalo kami nina Sen. Gatchalian sa isang pagdinig noong ika-5 ng Marso, 2020, at ikinalulungkot naming malaman na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa aming resource speakers," banggit ng senadora.
I have asked my staff to do the same and take precautionary steps to limit face-to-face interactions.
— Senator Nancy Binay (@SenatorBinay) March 11, 2020
With close to 50 people already been tested positive, it only shows that the exposure to the virus is real, and there's a high chance that someone out there is a carrier.
Ayon naman sa Manila Public Information Office, nananatili ngayon si Domagoso sa Manila City Hall habang inilalayo ang sarili sa iba pa.
Sabi naman ni Duterte-Carpio, na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, minabuti niyang lumagda bilang "person under monitoring" sa Davao City health Office matapos sumama ang pakiramdam ng isa niyang empleyado, na PUM din sa ngayon. Nakasama rin ng presidential daughter si Gatchalian kahapon.
"Bagama't wala pang nararamang flu-like symptoms si Mayort Sara, nag-self quarantine muna siya para maprotektahan ang iba pa," wika niya.
Patuloy pa rin naman daw sasagot ng mga email, mensahe at video teleconfederence ang alkalde habang nagpapahinga sa kanyang bahay.
Hindi pa naman kumpirmado kung magqua-quarantine din si Digong, na nagkansela ng kanyang pagbisita sa Isla ng Boracay ngayong Huwebes.
Updates sa COVID-19
Kagabi lang nang kumpirmahin ng Department of Health ang pagkamatay ng isang 67-anyos na babae ang sa Manila Doctors Hospital sa Lungsod ng Maynila — na unang Pilipinong namatay sa sakit.
Kasama ang ika-35 pasyente sa 16 kaso na kinumpirma ng DOH kahapon, dahilan para umabot ang confirmed cases sa 49.
Kahapon lang nang ideklara ng World Health Organization na "pandemic" na ang estado ng COVID-19, matapos nitong dumapos sa 118,000 tao sa 114 bansa sa mundo.
Tinatayang nasa 4,291 na ang namamatay sa sakit, karamihan sa Tsina.
Government offices isinara rin
Habang sunud-sunod na ang pagdedeklara ng self-quarantine ng mga government officials, pansamantala munang isasara ang ilang tanggapan ng gobyerno bilang parte ng pag-iingat sa sakit.
Ilan sa mga 'yan ay ang sumusunod:
- Department of Transportation (ilang opisina at ahensya)
- Philippine National Railways
- Department of Finance
- Bangko Sentral ng Pilipinas
- Government Service Insurance System
- Philippine Sports Commission
Ayon sa DOTr, DOF at BSP, ginagawa nila ito upang magbigay-daan para sa paglilinis at disinfection ng kanilang opisina bilang pag-iingat.
Samantala, suspendido naman ang trabaho sa punong tanggapan ng National Economic and Development Authority ngayong araw. — may mga ulat mula kay The STAR/Marc Jayson cayabyab