^

Bansa

COVID-19 cases lumobo sa 33, sabi ng DOH

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases lumobo sa 33, sabi ng DOH
Makikitang naglalakad ang maskaradong babae na ito sa Manila City Jail kasabay ng papalaking banta ng COVID-19 sa Pilipinas.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Muling nadagdagan ang kaso ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng gobyerno, Martes.

Nadagdagan kasi ng siyam ang coronavirus infections sa bansa, dahilan para umabot ito sa 33.

"The Department of Health reported nine new confirmed cases, patients 25 to 33, of the coronavirus 2019 (COVID-19), on top of the four new cases... accounced yesterday evening," sabi ni Rosario Vergeire, assistant secretary ng public health services team ng DOH.

Unang ibinalita ng DOH na 11 ang nadagdag (o 35 lahat-lahat) ngunit agad na binawi, matapos sabihin na "new positive samples" lang ang mga ito at hindi kaso.

"Upon verification, DOH reported that two of the new positive samples recieved by the epidemiology bureau of DOH are repeat tests taken from patients seven and eight," dagdag ni Vergeire.

Sa ngayon, "stable" ang kondisyon nina patient 21 hanggang 24, "asymptomatic" (o walang sintomas ng sakit) sina patient 25 at 26 habang hinahabol pa ang status nina patient 27 hanggang 33.

Case # Sex Age Nationality Travel History/Exposure Date of Onset of Symptoms Date of Lab Confirmation Health Facility Admitted
1 F 38 Chinese Yes, China (Wife of #2) Jan. 21 Jan. 30 San Lazaro
2 M 44 Chinese Yes, China (Husband of #1) Jan. 18 Jan. 30 San Lazaro
3 F 60 Chinese Yes, China Jan. 21 Jan. 30 San Lazaro
4 M 48 Filipino Yes, Japan Mar. 3 Mar. 5 RITM
5 M 62 Filipino Husband of #6 Feb. 25 Mar. 5 RITM
6 F 59 Filipino Wife of #5 Feb. 27 Mar. 6 RITM
7 M 38 Taiwanese None; Exposed to foreign patient Mar. 3 Mar. 8 Makati Medical Center
8 M 32 Filipino Yes, Japan Mar. 5 Mar. 8 Saint Luke's BGC
9 M 86 American Yes, USA and South Korea Mar. 1 Mar. 8 The Medical City
10 M 57 Filipino None Under investigation Mar. 8 Saint Luke's QC
11 M 72 Filipino None Under investigation Mar. 9 Saint Luke's QC
12 M 56 Filipino None Feb. 29 Mar. 9 Makati Medical Center
13 M 34 Filipino Yes, Australia Feb. 28 Mar. 9 Makati Medical Center
14 M 46 Filipino None Feb. 25 Mar. 9 Makati Medical Center
15 M 24 Filipino Yes, UAE Mar. 1 Mar. 9 Jose N. Rodriguez
16 M 70 Filipino Yes, Indonesia (Husband of #17) Mar. 1 Mar. 9 RITM
17 F 69 Filipino Yes, Indonesia (Wife of #16) Mar. 1 Mar. 9 RITM
18 M 41 Filipino Yes, Taiwan (Husband of #19) Feb. 26 Mar. 9 San Lazaro
19 F 46 Filipino Yes, Taiwan (Wife of #18) Under investigation Mar. 9 San Lazaro
20 M 48 Filipino Yes, Japan Feb. 29 Mar. 9 RITM
21 F 58 Filipino None Mar. 4 Mar. 9 Jose N. Rodriguez
22 F 51 Filipino None Mar. 4 Mar. 9 Cardinal Santos
23 F 30 Filipino None Mar. 3 Mar. 9 Cardinal Santos
24 M 52 Filipino Yes, Switzerland Mar. 6 Mar. 9 Lung Center
25 M 31 Filipino Yes, Diamond Princess Cruise Ship Asymptomatic Mar. 10 New Clark City (Repat)
26 M 34 Filipino Yes, Diamond Princess Cruise Ship Asymptomatic Mar. 10 New Clark City (Repat)
27 F 42 Filipino None Before Feb. 19 Mar. 10 The Medical City
28 M 69 Filipino Exposed to patient Feb. 29 Mar. 10 The Medical City
29 F 82 Filipino Exposed to patient Asymptomatic Mar. 10 The Medical City
30 F 69 Filipino Exposed to patient Mar. 5 Mar. 11 The Medical City
31 F 28 Filipino None Mar. 1 Mar. 12 The Medical City
32 M 64 Filipino None Feb. 27 Mar. 13 The Medical City
33 M 60 Filipino None Mar. 3 Mar. 14 The Medical City

Tiniyak naman ng DOH na patuloy pa rin ang isinasagawa nilang contact tracing para sa lahat ng mga kaso.

Katuwang pa rin naman daw nila ang Philippine National Police at iba pang saray ng gobyerno para positibong matukoy ang mga at mapangasiwaan ang mga malalapit sa mga nagpositibong kaso.

Kanina lang nang ipag-utos ng Department of the Interior and Local Government na pagbawalan ng PNP ang mga estudyante na lumapit sa mga matataong lugar gaya ng mga mall, sinehan at palengke upang hindi mahwaan ng COVID-19. 

Patuloy din naman daw ang pakikipag-ugnayan nina Vergeire sa mga pamahalaang lungsod, munisipalidad at mga probinsya para sa pagpapatupad ng "infection, prevention and control measures" sa lokal na antas.

Kanina lang nang kumpirmahin ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na galing sa Imus, Cavite ang isa sa mga positibong kaso.

Masama ang pakiramdam? Ano ang dapat gawin?

Para sa mga magpapakita ng "mild symptoms" ng sakit na may nakasalamuhang COVID-19 cases, at may kasaysayan ng pagpunta sa ibang bansa, iminumungkahi ng DOH assistant secretary na sumailalim sa "self-isolation" at mag-"home quarantine" sa loob ng 14-araw.

"Those presenting severe and critical symptoms need to be immediately admitted to our health facilities," dagdag pa niya.

Para sa angkop na management at referrals, maaaring tawagan ang DOH sa designated hotline na (02) 8-651-78-00 local 1149 hanggang 1150.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with