MANILA, Philippines —
Bilang
parte
ng
pagsusumikap
laban
sa
banta
ng coronavirus disease (COVID-19),
inutusan
ng Department of the Interior and Local Government
ang
mga
lokal na
gobyerno at Philippine National Police na
huwag
palapitin
ang
mga
kabataang
estudyante
mula
sa
mga
matataong
lugar.
Kabilang sa mga lugar na ipagbabawal sa mga estudyante ang mga mall, sinehan, palengke at iba pang matataong lugar.
Inilabas ni DILG Secretary Eduardo Año ang direktiba matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng klase hanggang Sabado, ika-14 ng Marso, sa buong Kamaynilaan.
"Inutusan ng presidente ang lahat ng local officials sa NCR, mula alkalde hanggang punong baranggay, pati ang mga unit ng [PNP] para siguruhing walang batang makikitang pagala-gala, at kapag nahuli, pauuwiin sila agad para gumawa ng takdang-aralin," ani Año sa Inggles.
Kasalukuyang nasa 24 ang positibong tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas habang isa pa
rin ang patay, ayon sa pinakahuling anunsyo ng Department of Health kagabi.
Kahapon, sinasabing nasa 110,187 na ang nahahawaan nito sa buong mundo habang 3,840 na ang namamatay dahil sa sakit — karamihan mula sa Tsina, na pinagmulan ng virus.
Humihingi naman si Año ng kooperasyon mula sa mga magulang upang disiplinahin at bantayan ang kani-kanilang mga anak upang tiyaking nasa bahay lang sila't nag-aaral.
Sa
pulong
ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases
kagabi
sa
Malacañang,
tiniyak
ng Department of Health na
mabibigyan
ng homework
o "performance task"
ang
lahat
ng mag-
aaral para
mapanatili
silang
abala
habang
wala pang
pasok.
Aniya, magiging walang-saysay daw ang pagsususpinde ng klase kung papayagan ng mga magulang ang kanilang mga anak na lumabas-labas.
"
Magsisilbing 'truant officers'
ang
mga pulis at barangay officials para
siguruhing
nasa
bahay
lang
ang
mga bata,"
dagdag pa
ng
kalihim.
Inatasan na
rin daw
ang
lahat
ng
alkalde
sa Kamaynilaan
upang
utusan
ang
kani-
kanilang chief of police para
ipatupad
ang presidential directive.
Sa
ilalim
ng "state of public health emergency" na
idineklara
ni Duterte, maaaring magpatulong ang DOH sa PNP at iba pang law enforcement agencies kontra sa nakamamatay na COVID-19
Inirekomenda
ng DOH Expert Advisory Group
sa
presidente
ang
ang
suspensyon
ng
klase at "mass gatherings"
ngayong
linggo para
mapababa
ang
bilang
ng
mga
taong
maaaring ma-expose
sa virus,
mapababa
ang
pagkakahawa
kada contact at para
mapababa
ang "average viral load."
Ligal ba? Estudyante lang?
Samantala, kwinestyon naman ng ilang sektor ang aksyong ito ng DILG.
Ayon
kay Renato Reyes Jr., secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan, hindi nila alam kung may kapangyarihan ang DILG at PNP na limitahan ang paggalaw ng lahat ng estudyante. Kailangan daw malinaw ang parameters at ligal na batayan nito.
"
Oo, concerned
tayo
sa
kalusugan
ng
ating
mga
anak, at
nasa
bahay sila
habang break. Pero
bakit may blanket policy?"
wika pa
niya.
Samantala,
sinabi
naman
ng National Union of Students of the Philippines na
hindi
lang
mga mag-
aaaral
ang
nailalagay
sa
panganib
sa
ngayon.
"Gusto lang naming idiin... na hindi lang estudyante ang bulnerable sa sakit. Dapat tumugon ang gobyerno sa mga idinadaing ng mga sektor kasama na ng mga manggagawa," banggit ng NUSP.
Pinaalalahanan din ng grupo, na pinakamalawak na alyansa ng mga student councils sa Pilipinas, na sana'y hindi ito gamitin para sikilin ang karapatang mag-protesta lalo na't walang espisipikong hangganan ang order laban sa "mass gatherings."
Bilang tugon sa pagdami ng mga kaso, hiniling din ng NUSP na magbigay na ng mga libreng test kits para sa lahat upang maging accessible ang serbisyong pangkalusugan sa lahat.