^

Bansa

Kuwait nag-isyu ng travel ban sa Pinas, 6 pa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kuwait nag-isyu ng travel ban sa Pinas, 6 pa
Sa circular No.27 na inilabas ng Kuwait’s Directorate General of Civil Aviation (DGCA), lahat ng flights papunta at palabas ng Kuwait International Airport ay pansamantalang suspendido sa mga bansang Pilipinas, Bangladesh, India, Sri Lanka, Syria, Lebanon at Egypt.
AFP

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng gobyerno ng Kuwait ang flights mula sa Pilipinas at sa anim na iba pang bansa.

Ito ay bilang precautionary measures para makontrol ang pagkalat ng bagong coronavirus disease o COVID-19.

Sa circular No.27 na inilabas ng Kuwait’s Directorate General of Civil Aviation (DGCA), lahat ng flights papunta at palabas ng Kuwait International Airport ay pansamantalang suspendido sa mga bansang Pilipinas, Bangladesh, India, Sri Lanka, Syria, Lebanon at Egypt.

Ang suspensyon ng flights ay nagsimula noong Marso 6 at magtatapos matapos ang isang linggo.

“All arrivals in the State of Kuwait from any nationality who have valid residency or previous entry visa, as well as those from other airports who were present in the countries mentioned above during the past two weeks, are prohibited,” nakasaad pa sa circular.

Habang ang mga mamamayan naman ng Kuwait  ay pinapayagang pumasok doon basta susunod sila sa quarantine procedures na ipinapatupad.

Wala pang pahayag ang gobyerno ng Pilipinas sa naturang travel ban.

COVID-19

STATE OF KUWAIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with