Kumpirmado: 2 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Pilipinas
MANILA, Philippines (Update 1, 1:13 p.m.) — Kinumpirma ng gobyerno na muling nadagdagan ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas kasabay ng unang "local transmittion" ng sakit, ayon sa pinakahuling anunsyo ng Department of Health, Biyernes.
Sa isang press conference, sinabi ng DOH na dalawa ang bagong naidagdag sa mga kaso ng COVID-19.
BREAKING: DOH says there are 2 more COVID-19 cases in the Philippines. @PhilippineStar pic.twitter.com/q0odbbv9Hk
— sheila crisostomo (@shecrisostomo) March 6, 2020
"Today, the DOH is reporting two additional confirmed cases of the coronavirus disease-2019, or COVID-19, in the Philippines," sabi ni Health Secreatry Francisco Duque III.
Ito na ang ikaapat at ikalimang kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa.
"The fourth confirmed case is a 48-year old male Filipino, with travel history to Japan," dagdag pa ng kalihim.
Dumating daw ng Pilipinas ang pasyente noong ika-25 ng Pebrero at nakaranas ng panginginig at lagnat pagsapit ng ika-3 ng Marso.
Kumunsulta raw ang nasabing lalaki sa ospital at kinunan ng mga sample upang masuri, hanggang sa makitang positibo noong ika-5 ng Marso.
"Stable" naman na ang kondisyon ng pasyente at kasalukuyang nasa Research Institute for Tropical Medicine.
Ang ikalimang kaso naman ay isang 62-anyos na lalaking Pilipino, na nakaranas ng ubong may plema noong ika-25 ng Pebrero.
"The patient sought medical consultation at a hospital at Metro Manila last March 1, and was admitted with severe pneumonia," dagdag ni Duque.
"Specimen collected on March 4 tested positive from COVID-19 on March 5."
'Local transmission'
Sa kabila nito, wala raw kasaysayan ng paglabas ng bansa ang ikalimang pasyente, at madalas bumisita sa isang Muslim prayer hall sa Lungsod ng San Juan.
Dahil dito, maaaring "locally transmitted" daw ang sakit, o naipasa sa loob mismo ng Pilipinas.
Kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing para sa dalawang kaso, at kinunan na rin ng samples ang mga malalapit na tao sa mga nabanggit.
Mahigpit na rin daw nakikipag-ugnayan ang DOH sa sari-saring lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga nakasalamuha ng mga bagong kumpirmadong pasyente.
Una nang nakapagtala ng tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas — isa sa mga 'yon ay namatay, na unang COVID-19 fatality sa labas ng Tsina. — may mga ulat mula kay The STAR/Sheila Crisostomo
- Latest