MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa taong 2020.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ginawa ni Cimatu ang garantiya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na Cabinet meeting nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay Panelo, iprinisinta ni Cimatu sa Pangulo ang resulta nang ginawa niyang inspeksiyon sa Angat Dam kung saan ipinakita niya ang kapabilidad at limitasyon nito.
Ang Angat Dam ang pinanggagalingan ng 97% ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Inihayag din ni Panelo na nakatakdang magkaroon ng groundbreaking para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam na pinondohan ng China ngayong taon.Posible aniya itong maganap sa Hulyo o Agosto.
Matatandaan na nagkaroon ng krisis sa tubig sa Metro Manila noong nakaraang taon.