MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong perjury laban kay dating PNP chief Alan Purisima.
Sa desisyon ng anti-graft court 2nd division, sinabi nito na not guilty si Purisima sa walong bilang ng perjury na inihain laban sa kanya.
Sinabi ng korte na nabigo ang prosekusyon na maghain ng sapat na ebidensya para patunayang guilty beyond reasonable doubt si Purisima sa kasong ibinibintang sa kanya.
Dahil dito, ipinag-utos ng Sandiganbayan na ibalik ang inilagak na piyansa ng dating PNP chief.
Pinatatanggal din ng korte ang hold departure order laban sa kanya maliban kung may iba pang kaso na nakasampa sa kanya.
Nag-ugat ang kasong perjury dahil sa hindi umano paghahain ni Purisima ng tamang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) noong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014.