MANILA, Philippines — Sampung universities ang nagsumite na ng kanilang aplikasyon sa Commission on Higher Education (CHED) para sa pagtataas ng tuition fee sa susunod na pasukan.
Sa listahan ng National Union of Students of the Philippines, nagpaabiso na sa CHED para sa tuition fee hike sa Hunyo 2020 ang University of Sto. Tomas na planong magdagdag ng 4-6%, Dela Salle College of St. Benilde, St. Louis University 7% para sa mga freshmen, Far Eastern University 3-3.5%, Dela Salle University Manila na may 4% at University of San Carlos na may 7%.
Kasama rin sa mga naghain ng tution fee increase ang Ateneo de Manila University na may 4%, University of the East na may 4%, Dela Salle University Dasmariñas 5%, Lyceum University of the Philippines 7%, Adamson University 8%, Central University of the Philippines 10%, University of Cordillera 10% at Mapua University na 1.25%.
Gayundin ang Holy Angels University at National Teachers College.
Wala pang aksyon ang CHED kung papayagan nila ang aplikasyon ng naturang mga paaralan.