^

Bansa

Pera sa China sisirain dahil sa coronavirus

Pilipino Star Ngayon
Pera sa China sisirain dahil sa coronavirus
Iniulat ng financial news outlet na Caixin na inutos ng mga opisyal ng sangay ng People’s Bank of China sa southern city na tanggalin at wasakin ang lahat ng papel na pera sa mga sektor na merong mataas na exposure sa coronavirus.
Pixabay

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng sangay ng central bank ng China sa Guangzhou na sisirain nito ang lahat ng pera na nakolekta ng mga ospital, wet market at mga bus para matiyak ang kaligtasan sa mga cash transaction habang nilalabanan ng bansa ang outbreak ng coronavirus.

Iniulat ng financial news outlet na Caixin na inutos ng mga opisyal ng sangay ng People’s Bank of China sa southern city na tanggalin at wasakin ang lahat ng papel na pera sa mga sektor na merong mataas na exposure sa coronavirus.

Ang naturang mga pera ay kailangang itabi ng mga commercial bank sa lalawigan mula sa nabanggit na mga sektor, i-disinfect ang mga ito at ipadala sa PBOC.

Nagpalabas ng naturang kautusan si Fan Yifei, deputy governor ng central bank, na nagsabing 600 bilyong Yuan na halaga ng mga bagong banknotes ang naipakalat sa buong bansa mula Enero 17 kabilang ang apat na bilyong yuan na halaga ng mga fresh note na naipadala sa Wuhan na sentro ng outbreak bago nag-Lunar New Year.

Binanggit din ng Central Bank na, sa pangkalahatan, gagamit ito ng ultraviolet light para i-disinfect ang cash, iimbak ang pera nang mahigit 14 na araw bago ibalik sa sirkulasyon.

Isinaad din sa Caixin na, ang mga customer ay aatasang kumpirmahin ang pinagmulan ng pera na idinedeposito sa kanilang sangay.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with