MANILA, Philippines —
Umabot na
sa 59 Pilipinong
tinamaan
ng
nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19)
sa M/V Diamond Princess
na Japan,
balita
ng Department of Health, Lunes.
Tinatayang nasa 2,600 na ang namamatay sa sakit, matapos madagdagan ng 150 mula Tsina, ayon sa ulat ng AFP.
"
Sa
ngayon, 59
sa 538 na [overseas Filipinos]
mula
sa cruise ship ay
kumpirmadong may COVID-19,"
sabi
ni Maria Rosario
Vergeire, assistant secretary
ng DOH,
sa
Inggles.
Nasa 400 naman ang sinasabing nagnegatibo sa sakit, habang ang mga asymptomatic, o hindi nagpapakita ng sintomas, ay papayagang makauwi ng Pilipinas bukas.
ASec
Vergeire: To date, 59 of the 538 OFs from the cruise ship have
been confirmed with COVID-19.
More than 400 negative, asymptomatic patients will
— Department of Health (@DOHgovph) February 24, 2020
Sa mga nagpositibo, dalawa na ang gumaling at napalabas ng ospital. Gayunpaman, hindi pa
rin sila magiging bahagi ng repatriation bukas.
"
Habang
tumatakbo
ang 14-
araw
na quarantine procedure
sa New Clark City, 20 medical teams
mula
sa DOH hospitals
ang
mamamahala
sa
pasilidad,"
dagdag pa
ni
Vergeire.
Sa ngayon, apat na bansa na ang may mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19, dahilan para umabot na sa 63 ang tinamaan sa ibayong-dagat:
- Japan (59)
- United Arab Emirates (2)
- Hong Kong (1)
- Singapore (1)
Sa Pilipinas
naman,
umabot na
sa 132 ang naka-admit na patients under investigation
kaugnay
ng
sakit.
- Cordillera Administrative Region (1)
- Cagayan Valley (2)
- Ilocos (1)
- Central Luzon (1)
- National Capital Region (105)
- CALABARZON (5)
- Bicol (5)
- Eastern Visayas (2)
- Central Visayas (2)
- Northern Mindanao (1)
- Soccsksargen (1)
Kanina,
matatandaang
sinabi
ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na
sinisimulan na
ng Singapore
ang
ilang
pag-
aaral kung
epektibong
panlaban
sa virus
ang virgin coconut oil.
Nograles: Singapore spearheading test to determine if virgin coconut oil is effective vs COVID-19 @PhilippineStar @PhilstarNews
— Alexis B. Romero (@alexisbromero) February 24, 2020
Bagama't
dumarami na
ang COVID-19
sa South Korea,
tiniyak
naman
ng DOH na wala pa ring nahahawang Pilipino roon
Una
nang
sinabi
ni Justice Secretary Menardo Guevarra na
posibleng
talakayin
ng task force on emerging infectious diseases kung
magpapataw na
ng travel ban sa South Korea mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero