Go sa mga kumpanya ng gamot: ‘Wag puro kita’
MANILA, Philippines — Pinakiusapan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pharmaceutical companies na balansehin ang kanilang interes sa pamamagitan ng pagbebenta ng abot-kayang halaga ng gamot sa Filipino at hindi lamang puro pagkabig ng malaking kita sa kanilang negosyo.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) 104 noong February 17, na nagre-regulate sa mga presyo ng piling gamot na ibinebenta sa mga botika, kabilang na ang mga esensiyal na medisina na karaniwang inirereseta sa mga pasyente.
Sinabi ni Go na ito na ang tamang panahon sa mga pharmaceutical companies na mag-alok ng abot-kayang presyo ng medisina, partikular sa mahihirap na Filipino na may sakit.
Kabilang sa gamot na saklaw ng EO 104 ay para sa hypertension, diabetes, cardiovascular diseases, chronic lung diseases, neonatal diseases, major cancers, chronic renal diseases, psoriasis at rheumatoid arthritis.
- Latest