11K employees ng ABS-CBN, i-regular!
MANILA, Philippines – Hinamon ng isang mambabatas ang broadcast giant na ABS-CBN na gawing regular ang kanilang 11,000 empleyado.
Sinabi ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap, dapat patunayan ng Lopez-led corporation na sila ay tunay na “in Service of the of the Filipino People”.
Idinagdag pa ni Yap na kung totoong kapakanan ng tao ang iniisip ng giant network, dapat inuna nito ang karapatan ng kanilang mga empleyado at ipakita na seryoso sila sa sinasabing service para sa Pilipino.
Nabatid na karamihan sa 11,000 trabahador sa ABS-CBN ay mga talent o contractual ang status sa naturang kumpanya.
Bukod dito, hinamon din niya ang ABS-CBN na bayaran ang back pay at iba pang benepisyo ng 120 empleyado na sinasabing iligal na tinanggal sa trabaho noong 2010 at hanggang ngayon ay patuloy na pinaglalaban ang kanilang karapatan sa korte.
Iginiit din ng kongresista na kung magagawa ito ng broadcast network ay tiyak na susunod dito ang iba pang malalaking kumpanya kaya sigurado na bayan at manggagawang Pilipino ang panalo sa bandang huli.
- Latest