PNP walang natatanggap na destab plot vs Digong

MANILA, Philippines – Walang natatanggap na destabilization plot ang Philippine National Police (PNP) upang ibagsak sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang kumpirmadong impormasyon kung may niluluto ngang  coup de etat laban sa administrasyon.

Ginawa ni Banac ang pahayag sa kabila na rin ng mga umuugong na magkakaroon umano ng Oust Duterte rally sa Pebrero 22 sa Edsa shrine.

Sinabi ni Banac na mananatiling mapagmatyag ang PNP para panatilihin ang kapayapaan sa bansa at mapigilan ang mga krimen.

“As of this time, no destabilization threats or movements received or monitored. But PNP remains alert and vigilant to maintain peace and order at all times, prevent occurrence of crimes, ready to respond to any call for assistance,” ang sabi pa ng opisyal.

Binigyang diin niya na nananatiling solido at tapat sa Chain of Command ang PNP na tumatalima sa itinatadhana ng Saligang Batas. 

 

Show comments