MANILA, Philippines — Bagama't humaharap sa sari-saring demanda sa korte, nakahanap pa ng oras ang dating senador at kasalukuyang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Antonio Trillanes IV na i-launch ang pilot episode ng kanyang video blog.
"Welcome to my VLOG!" sabi niya sa isang tweet, Miyerkules ng umaga.
"Noong natapos ang aking termino, naisip ko, kailangan ko pa ring magsilbi sa ating bayan. Ito ngayon ang aking paraan para mapagpatuloy 'yun. Kaya abangan ninyo ang future episodes ng #TRX #TrillanesExplains"
Welcome to my VLOG!
— Sonny Trillanes IV (@TrillanesSonny) February 18, 2020
Noong natapos ang aking termino, naisip ko, kailangan ko pa ring magsilbi sa ating bayan. Ito ngayon ang aking paraan para mapagpatuloy 'yun.
Kaya abangan ninyo ang future episodes ng #TRX #TrillanesExplains
Click and Subscribe:https://t.co/jmFI1xR1zF pic.twitter.com/QDmLL5pAk0
Sa unang episode ng "Trillanes Explains," sinabi niyang ito ang kanyang paraan upang maipagpatuloy ang adbokasiya laban sa korapsyon at para reporma sa gobyerno, na kanyang sinimulan daw kasama ang Magdalo noong 2003.
Matatandaang pinangunahan ni Trillanes ang 321 sundalo sa Oakwood mutiny upang mag-aklas sa diumano'y katiwalian ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
"Marami tayong very interesting exposés. Ito ay mabibigay na mga isyu na hindi napansin dahil nga si Duterte ay may paraan i-distract at linlangin 'yung publiko," dagdag pa niya.
"Dito sa vlog natin, hihimay-himayin natin isa-isa ito."
Kasalukuyang humaharap sa mahigit-kumulang 20 kaso si Trillanes, kabilang ang conspiracy to commit sedition at libelo na inihain ng gobyerno at mga kalapit ni Digong.
Ang una ay isinampa dahil sa diumano'y plano niya, kasama ng iba pang personahe, na i-"destabilize" at patalsikin ang administrasyong Duterte sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanya sa kalakalan ng iligal na droga.
Partikular na ginagamit na ebidensya laban kay Trillanes ay ang "Ang Totoong Narcolist" video series, press conference ni Peter Joemel Advincula, pahayag ni Eduardo Acierto at pag-amin ng iba pang akusado.
READ: DOJ’s statement on the resolution on the sedition complaint filed against VP Leni Robredo and 35 others.?@PhilippineStar? pic.twitter.com/9eybH77fpT
— evelynzmacairan (@EZMacairan) February 10, 2020
Maliban sa kanya, nagpapatakbo rin ng vlog ang ilang masugid na tagasunod ni Duterte gaya ni Mocha Uson, na itinalaga ni Duterte bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration.
Isang dating sexy star, ilang beses nang iniuugnay si Uson sa pagpapakalat ng "fake news" habang itinataguyod ang pagsuporta sa administrasyon.