MANILA, Philippines — Naglabas ng kanyang galit sa mga "pasaway" tsuper ng tricycle at pedicab
si Interior Secretary Eduardo Año dahil sa patuloy nilang pag-iral sa mga national highway kahit matagal na itong ipinagbabawal ng batas.
"Matagal na nating ipinagbawal ang tricycles at pedicabs sa national highway ngunit ang daming pasaway,
” sabi ni Año.
Aniya,
parte
ito
ng
operasyon
ng Department of the Interior and Local Government para
tanggalin
ang
mga
harang
sa
mga
daanan kung
kaya't
idinidiin
ito
sa
mga
lokal na
pamahalaan.
Una nang nagtakda ng 75-araw na taning ang DILG pagdating sa panibagong round ng road-clearing operations, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabawi ang pampublikong mga daanan.
Saklaw
ng
hihigpitan
ang
mga
sasakyang tricycle, motorized pedicab at pedicab
sa
kahabaan
ng
nasabing mayor na
kalsada.
Tuloy niya, "Hindi lang ito nakakasagabal sa daan kundi nagiging sanhi rin ng sakuna sa kalye. Kaya dapat nang maging mahigpit ang mga mayor at ang pulis at siguruhing maipapatupad ang ban na ito."
Inutusan ni Interior Sec. Eduardo Año ang mga LGU na higpitan ang pagpapatupad sa ban sa mga tricycle, pedicab, at motorized pedicab sa mga national highway. Parte ito ng operasyon ng DILG para tanggalin ang mga harang sa mga daanan. pic
— News5 AKSYON (@News5AKSYON) February 19, 2020.twitter.com/TVYWtq2uTQ
Pwede ang mga tricycle at pedicab sa mga national highway kung ito na lamang ang natitirang daan para sa kanila, ngunit hindi lahat ng dumadaan dito ay nasa tama. Meron pa
rin bumabagtas dito bilang "shortcut" sa kanilang mahabang ruta.
Ang
batas na
nagtatakda
dito ay
ang Memorandum Circular 2007-01:
"For safety reasons, no tricycles or pedicabs will operate on national highways
utilized by 4-wheel vehicles greater than 4 tons and where normal speed exceed 40 KPH. However, the SP/SB may allow if there is no alternate route."
Ang kautusan ay nagawa noong 2007, ngunit makalipas ang 13 taon, patuloy pa
rin ang pagsaway dito ng ilan.
Ayon
sa World Health Organization (WHO)
noong 2016, 43%
ng
mga
aksidente
sa
kalsada
sa Southeast Asia
mula
sa
mga two
o three-wheeled vehicle.
Taong 2016,
matatandaang
naitala
ang 2,658
disgrasya
kaugnay
ng
mga tricycle,
ayon
kay John
Juliard Go
ng WHO Philippines. — Philstar.com intern Cody Perez at may mga ulat mula sa News5