^

Bansa

Trillanes nagpiyansa sa kasong 'conspiracy to commit sedition'

James Relativo - Philstar.com
Trillanes nagpiyansa sa kasong 'conspiracy to commit sedition'
Nakatakdang ihain ni Trillanes ang kanyang piyansa ngayong araw kaugnay ng reklamong "conspiracy to commit sedition" dahil sa mga diumano'y plano para patalsikin sa pwesto si Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines (Update 2, 12:35 p.m.) — Nakapagpiyansa na si dating Sen. Antonio Trillanes IV matapos kaugnay ng hinaharap na reklamo dahil sa lumabas na "Ang Totoong Narcolist" video series na nagdidikit kina Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang pamilya at kanyang mga kaalyado sa kalakalan ng droga.

Ang piyansa ay para sa kasong "conspiracy to commit sedition" sa mga diumano'y planong pagpapatalsik sa pwesto kay Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.

Martes ng umaga nang lumapag ng Ninoy Aquino International Airport si Trillanes mula sa Estados Unidos dahil sa ilang engagements. 

Nakatakdang ihain ni Trillanes ang kanyang piyansa ngayong araw kaugnay ng reklamong "conspiracy to commit sedition" dahil sa mga diumano'y plano para patalsikin sa pwesto si Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng galit sa mga tao.

Una nang sinabi ni Trillanes na hindi niya tatakasan ang kaso kahit na nasa ibang bansa siya.

"[P]lano kong maghain ng piyansa pagbalik ng Maynila sa susunod na linggo. Haharapin ko ang kasong ito katulad nang pagharap ko sa iba pang inihaing kaso ng mga alipores ni [Pangulong Rodrigo] Duterte," sabi niya sa Inggles.

Biyernes nang ibalitang naglabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes at 10 iba pa kaugnay ng nasabing kaso.

Una nang nakapagpiyansa sa 10 akusado sina Fr. Albert Alejo at Fr. Flaviano Villanueva at binawi na ang mga warrant laban sa kanila.

Kasama sa reklamo si Peter Joemel Advincula, alyas "Bikoy," na bumaliktad at tumestigo laban kina Trillanes.

Kahapon nang maghain ng P10,000 piyansa si Advincula sa Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. — may mga ulat mula sa News5

Abangan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.

ANTONIO TRILLANES IV

BAIL

CONSPIRACY TO COMMIT SEDITION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with