^

Bansa

P1bilyong halaga ng ‘pastillas’ modus sa BI ibinunyag ni Hontiveros

Doris Franche, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
P1bilyong halaga ng ‘pastillas’ modus sa BI ibinunyag ni Hontiveros
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon tungkol sa mga krimen na may kinalaman sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) partikular ang prostitusyon at trafficking, isiniwalat ni Hontiveros na umaabot sa P10,000 service fee ang kinokolekta sa bawat Chinese nationals na pumapasok sa bansa.
Senate PRIB/Joseph Vidal

MANILA, Philippines — Tinawag kahapon ni Senador Risa Hontiveros na mga traydor sa bayan ang mga nasa likod ng ‘pastillas’ modus sa loob ng Bureau of Immigration na kung kukuwentahin aniya at aabot sa P1 bil­yon ang halaga.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon tungkol sa mga krimen na may kinalaman sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) partikular ang prostitusyon at trafficking, isiniwalat ni Hontiveros na umaabot sa P10,000 service fee ang kinokolekta sa bawat Chinese nationals na pumapasok sa bansa.

Ipinakita pa ni Hontiveros ang isang video ng isang immigration officer na inieskortan ang mga Chinese nationals sa loob ng tanggapan ng BI.

“Bakit parang may VIP escort itong mga Chinese nationals papasok ng bansa?” tanong ni Hontiveros.

Ipinakita rin ni Hontiveros ang screenshots ng Viber groups na nag­lalaman ng pangalan, flight details at litrato ng mga Chinese nationals.

Ayon kay Hontiveros ang mga nais pumasok sa bansa ay nag-a-apply ng tourist visas sa iba’t-ibang consu­lates sa ibang bansa. 

Pero dagdag aniya sa visa fee ang P10,000 na service fee upang matiyak na hindi masisita sa immigration.

“Sa P10,000 yan, P2,000 ang nakarara­ting sa ating airport. Pinaghahatian sa level ng airport. So nasaan yung P8,000, ayon sa aming informant, distributed na bago pa man makarating sa airport” ani Hontiveros.

Pinaghahati-hatian umano ang nasabing halaga ng Chinese tour operator, ka-kontratang local tour operator at sindikato  sa airport.

Sa 1.8 milyon aniyang pumasok sa bansa noong nakaraang taon kung saan 800,000 ang totoong turista o estudyante na nag-aplay ng totoong visa, may matitira pang 1 milyon na gumamit ng sistemang P10,000 service fee.

Tinawag umanong ‘pastillas’ sa loob ng BI ang cash distributions dahil inilalagay lamang sa nakarolyong band paper ang pera.

“Tinanong ko bakit pastillas ang tawag. Dati daw kasi, wala pang mga sobre so nilalagay sa bond paper at nirorolyo na parang pastillas,” ani Hontiveros.

Samantala, handa ang BI na imbestigahan ang expose ni Hontiveros kaugnay sa “pastillas scheme” na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng Immigration.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, hihingi ang BI ng mga detalye kay Hontiveros hinggil sa naturang expose nito para magamit sa kanilang imbestigasyon.

Nais aniyang matukoy ni Immigration Commissioner Jaime Morente kung sinu-sino ang mga nasa likod ng nasabing sindikato.

MODUS

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with