MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ibalik at gawing mandatory ang pagtuturo ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan sa ilalim ng K to 12 curriculum.
Layunin ng panukala na ma-institutionalize ang values education kabilang ang GMRC na gagawing isang core subject na ituturo sa elementary at senior high school. Ang panukala ay tatawaging Comprehensive Values Education Act kung saan ang GMRC ay ituturo sa loob ng isang oras.
Para sa mga mag aaral sa kindergarten, ang values education ay isasama sa kanilang araw-araw na learning activities.