MANILA, Philippines — Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na wala nang saysay ang Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA) at ang Mutual Defense Treaty dahil sa pagkansela ng gobyerno sa VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Guevarra, ito’y kasunod ng pahayag ng Malacañang na nais na ring ipalusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EDCA at MDT.
Batay aniya sa memorandum na kanyang isinumite sa Pangulo, nabanggit niya ang mga epekto ng VFA termination sa EDCA at maging sa MDT.
Sa kabila nito, sinabi ni Guevarra na hindi na rin niya inirekomendang ipawalang saysay ang EDCA at MDT dahil wala na rin namang silbi ang mga ito kapag wala nang VFA.
Tiwala si Guevarra na makakaya ng Pilipinas nang walang VFA na military agreement sa Estados Unidos.