Petsa ng 2020 Bar Exams inilatag na ng SC

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Korte Suprema ang petsa ng 2020 Bar Examinations.

Sa bulletin ng Office of the 220 Bar Chair, gaganapin ang exams sa apat na magkakasunod na Linggo ng Nobyembre 2020.

Gagawin ang pagsusulit sa November 8,  Political and International Law at Labor Law and Social Legislation; November 15, Civil Law at Taxation Law; November 22, Commercial Law at Criminal Law at November 20, Remedial Law at Legal Ethics and Practical Exercises.

Ang oras ng exams ay alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at ala 1:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang lugar na pagdarausan ng Bar exams ay iaanunsyo sa hiwalay na bulletin na ipalalabas ng Korte Suprema.

Show comments