MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang panukalang magbibigay ng insurance coverage sa mga construction workers sa bansa.
Sa House bill 2497 ni Construction Workers Solidarity (CSW) partylist Rep. Romeo Momo Sr., ang mga employer o contractor na mayroong mahigit sa 10 construction workers ay dapat kumuha ng group personal accident insurance para sa kanyang mga tauhan.
Ayon pa kay Momo na vice-chairman ng Committee on Labor and Employment, epektibo ang insurance sa simula ng serbisyo ng isang construction worker hanggang sa matapos ang proyekto o sa termination ng employment contract.
Paliwanag pa ng kongresista, masyadong delikado ang trabaho ng mga construction workers kaya kailangan ng mandatory group personal accident insurance coverage para sa sandaling maaksidente sila, magkasakit, disability o masawi dahil sa kanilang trabaho mabibigyan sila ng ayuda at tulong.
Ang insurance coverage ay dapat mayroong P100,000 para sa death benefit, P30,000 sa burial na dapat matatanggap ng benepisyaryo sa loob ng 48 oras matapos lumabas ang written notice and declaration of death.
Sa sandaling matukoy naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang isang construction worker ay nagtamo ng “total and permanent disability” ay dapat makatanggap siya ng P75,000 cash benefits,