^

Bansa

Ngayong Valentine's, DILG employees na 'taken for granted' nagsuot ng pula

James Relativo - Philstar.com
Ngayong Valentine's, DILG employees na 'taken for granted' nagsuot ng pula
"Color coded" ang pananamit nila ngayong araw alinsunod sa inilabas na memorandum — nakabase sa estado ng kanilang love life.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kakaibang ang pakulo ng Department of the Interior and Local Government ngayong Araw ng mga Puso. 

"Color coded" ang pananamit nila ngayong araw alinsunod sa inilabas na memorandum — nakabase sa estado ng kanilang love life.

"Para ipakita kung ano ang nararamdaman natin ngayon araw, lahat ng kawani ng DILG ay inaatasang makisama sa pagdiriwang at magsuot ng kani-kanilang de kolor na damit na may kaugnayan sa estado ng kanilang BUHAY PAG-IBIG sa ika-14 ng Pebrero 2020," sabi ng memo sa Inggles.

Narito ang inilabas na dress code para sa kanila (verbatim ito, pramis):

TAKEN... for granted red
In a relationship white
Umaasang babalikan pink
Pinuyat pero 'di jinowa orange
Moving on (kaya mo 'yan besh) yellow
Bitter and broken green
Looking/waiting for someone blue
Friend zoned violet
It's complicated brown
Single grey
Happy and contented black

 

Sa ulat ng ABS-CBN, lumalabas na 31% ng naninirahan sa Pilipinas (14.75 milyon) ang single. Sa Kamaynilaan, pinakamarami ang single sa Lungsod ng Quezon sa bilang na 581,651.

Ang Araw ng mga Puso (Valentine's Day) o Pista ni San Valentino ay isang mahalagang pagdiriwang ng pag-ibig taun-taon tuwing Pebrero, kung kailan ipinapakita ng mga tao ang kanilang nadarama sa natitipuhan o iniibig sa iba't ibang paraan.

Dahil dito, karaniwang nagbibigayan ng mga tsokolate, cards o simpleng oras ang mga tao.

Nagtataasan na rin ang presyo ng mga bulaklak sa iba't ibang pamilihan gaya ng Dangwa Flower Market ngayong araw, kung kaya't hindi maiwasang magreklamo ng marami — kahit na ng mga senador.

"Sa halip na bouquet of flowers, mas mabuti pa sigurong isang sakong bigas na lang ang iregalo sa Valentine's Day!" pabirong sabi ni Sen. Imee Marcos sa isang pahayag, Huwebes.

http://senate.gov.ph/press_release/2020/0213_marcosi1.asp

Napag-alaman ng kanyang tanggap na umaabot na ng P2,500 hanggang P4,000 ang areglo ng mga bulaklak sa Maynila.

Noong Enero, naglalaro lang daw ang isang bugkos ng rosas mula P1,000 hanggang P1,800.

Ang Indian rose naman na P400 kada bouquet ay umaabot na raw sa P600 hanggang P800.

Mula sa dating P50, ang kada piraso ng bulaklak naman mula sa Baguio City ay nasa P100 hanggang P150, habang ang Malaysiyan mums naman ay nasa P150 hanggang P200 (sa dating P100 hanggang P120). 

"Josko ano ba yan, mukhang hindi na praktikal ang pagbibigay ng bulaklak kung ganyan rin lang naman ang presyo. Sa hirap ng buhay ngayon, mas mabuti siguro kung ibang bagay na lang ang ibigay tulad ng bigas," dagdag ng anak ng dating diktador.

FLOWERS

IMEE MARCOS

VALENTINE'S DAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with