KAPA founder, 6 pa pinaaaresto

Ang pag-aresto ay nag-ugat sa mga kasong may kinalaman sa malawakang investment scam lalo na sa rehiyon ng Mindanao.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Pinaaaresto na ng isang korte sa Surigao del Sur si Kabus Padatoon (KAPA) founder Pastor Joel Apolinario, asawa nitong si Reyna at lima pang opisyal ng KAPA Community Ministry International.

Ang pag-aresto ay nag-ugat sa mga kasong may kinalaman sa malawakang investment scam lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon sa Securities Exchange Commission (SEC), ang Bislig City, Regional Trial Court (RTC) Branch 29 ay nag-isyu ng warrants of arrest laban kina Apolinario, Trustee Margie Danao at Corporate Secretary Reyna Apolinario.

Kasama rin sa pinahuhuli sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia at Reniones Catubigan.

Kasunod ito ng pagsasampa ng mga prosecutor ng Department of Justice (DoJ) ng criminal charges laban sa KAPA dahil sa paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos noon na ipasara ang KAPA dahil sa isyu ng katiwalian.

Inaakusahan ang KAPA na paghimok sa mga tao partikular ang kanilang mga miyembro na mag-invest sa kanila ng hindi bababa sa P10,000 hanggang P2 million.

Kapalit umano ito ng 30 percent na monthly return habambuhay.

Show comments