Kapamilya tuloy ang operasyon
Kahit ‘di maaprub ang renewal
MANILA, Philippines – Kahit na hindi pa maaprubahan ng Kongreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, tuloy pa rin ang operasyon nito hanggang sa 2022.
Sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Vice Chairman at Isabela Rep. Antonio “Tonypet” Albano, hanggang hindi pa natatapos ang 18th Congress ay maari pang ituloy ng network ang kanilang mga programa.
Iginiit ni Albano na naihain naman ng Lopez-led corporation ang aplikasyon ng pagpapalawig ng prangkisa sa 18th Congress.
Iginiit nito na ang nasa poder ng kongreso ay ang exclusive authority para sa pagbibigay ng prangkisa tulad ng sa broadcast network.
Siniguro rin ni Albano na diringgin nila ang nakahaing petisyon ng ABS-CBN sa kanilang komite at sa katunayan ay nagkaroon na sila ng close-door meeting para rito kung saan napagkasunduan nila na ipatawag si Solicitor General Jose Calida para malaman ang posisyon nito para sa prangkisa ng ABS-CBN.
Iginiit din nito na kailangan munang magkaroon ng deliberasyon ang komite at magbotohan bago ito pagdebatehan sa plenaryo ng Kamara.
- Latest