^

Bansa

ABS-CBN makakapag-operate hanggang 2022 — mga senador at mambabatas

James Relativo - Philstar.com
ABS-CBN makakapag-operate hanggang 2022 — mga senador at mambabatas
"Pwede silang mag-operate. Kung hindi maaprubahan [ang mga panukalang batas na magre-renew sa prangkisa ng ABS-CBN]... pagsapit ng Marso 2022, doon lang magiging terminated 'yan," sabi ni Senate President Tito Sotto sa media sa Inggles.
Senate PRIB/Joseph Vidal

MANILA, Philippines — Taliwas sa pag-aakala ng marami, puwede pa mag-operate hanggang 2022 ang ABS-CBN kahit na mapaso pa ang prangkisa nito sa Marso 2020, paglilinaw ng sari-saring mga lawmakers, Martes.

Pinangangambahan ngayon ng ilang mga grupo ng manggagawa, nasa industriya ng pagbabalita at showbiz ang nasabing isyu lalo na't maraming mawalan ng trabaho kung mawawala ang "dos," maliban sa isyu ito ng press freedom.

"Pwede silang mag-operate. Kung hindi maaprubahan [ang mga panukalang batas na magre-renew sa prangkisa ng ABS-CBN]... pagsapit ng Marso 2022, doon lang magiging terminated 'yan," sabi ni Senate President Tito Sotto sa media sa Inggles.

"Hangga't may nakahain na panukala, tinitignan na extended na 'yan. Naka-file eh. Kahit na lumampas pa siya eh. Nangyari na 'yan nang napakaraming beses sa iba pang mga franchises."

Sinang-ayunan naman 'yan ni Isabela Rep. Antonio Albano, na vice chair ng House panel on legislative franchises.

"[A]ng rule of thumb ng komite, sinabihan na kami habang tumatakbo ang 18th Congress, hindi po titigil ang serbisyo ng ABS-CBN hanggang po matapos ang 18th Congress," sabi ni Albano.

Halos isang dosenang panukalang batas kaugnay nito ang nakatengga pa rin sa Kamara na hindi natatalakay.

Matatandaang naghain ng quo warranto petition kahapon sa Korte Suprema si Solicitor General Jose Calida para hilingin ang pagbawi ng legislative franchise ng Kapamilya network.

Samantala, tiniyak naman ni Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri na suportado ng karamihan ng 24 senador ang franchise renewal.

Sa kabila nito, hindi maibigay ng senador ang eksaktong bilang ng mga susuporta rito mula sa Mataas na Kapulungan.

Ilang beses nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ire-renew ang prangkisa ng ABS-CBN kung siya ang masusunod matapos hindi iere diumano ng himpilan ang kanyang mga patalastas noong tumatakbo pa sa pagkapangulo noong 2016.

Tulong sa mawawalan ng trabaho

Samantala, tiniyak naman ni Labor Seceretary Silevstre Bello III na handa silang suportahan ang 10,000 regular at 'di regular na empleyado't talents na pwedeng mawalan ng trabaho oras na mapilitang mapahinto ang kanilang mga operasyon.

"Malaking sakit ng ulo sa amin kasi we have to provide them immediate response. Magiging malaking problema iyan, but we just need to prepare for that," sabi ni Bello sa panayam ng CNN Philippines.

Sa ngayon, naghahanda na raw ang DOLE ng panandaliang tulong pinansyal para sa libu-libong manggagawa. 

Maari rin daw bigyan ng trabahong may minimum na pasahod ang mga nabanggit at bigyan ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng mga utang.

"Hindi namin pwedeng pabayaan ang mga manggagawa. Bibigyan namin ng emergency employment ‘yan. Bibigyan namin sila ng trabaho," dagdag pa ng kalihim.

Sa kabila nito, umaasa si Bello na huhugutin ng posibleng bagong may-ari ng ABS-CBN ang mga dating empleyado kung tuluyang maputol ang kanilang prangkisa.

ABS-CBN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LEGISLATIVE FRANCHISE

PRESS FREEDOM

QUO WARRANTO

SENATE

TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with