MANILA, Philippines —
Pormal
nang
hiniling
ni Solicitor General Jose Calida
sa Korte Suprema na
bawiin
ang legislative franchise na
tinatamasa
ng media giant
na ABS-CBN, na
makailang-
ulit
nang
nakatatanggap
ng
birada
ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon
sa
istasyon,
naghain
ng "
quo
warranto petition" si Calida
laban
sa ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence Inc., na subsidiary
ng
kumpanya.
Ilan sa mga ibinatong paratang ni Calida sa himpilan ay ang "labag sa batas" na pakikinabang nila sa mga prangkisa sa ilalim ng Republic Act (RA) 7966 at RA 8332.
Tumutukoy ang naunang batas prangkisang nagpapahintulot sa operasyon ng ABS-CBN Corporation habang iginawad naman ng ikalawa ang prangkisa sa kanilang communications arm.
Hindi nagpaunlak ng tanong si Calida mula sa mga peryodista matapos itong ihain, ngunit iginiit niyang "walang halong pulitika" sa kanyang aksyon bilang punong abogado ng gobyerno ng Pilipinas.
Sa isang pahayag sa Inggles, sinabi ni Calida na: "Nais nating matigil ang mga nadiskubre nating abusadong gawi ng ABS-CBN na pinakikinabangan lang ng ilang gahaman sa kapinsalaan ng milyun-milyon nitong tagasunod. Ang mga gawain na ito ay hindi napapansin at ilang taon nang nababalewala."
Alinsunod sa Rule 66 ng Rules of Court, maaaring maghain ng quo warranto ang solicitor general laban sa mga "taong nang-aagaw, nanghihimasok sa, o humahawak ng posisyong pampubliko o prangkisa nang labag sa batas."
Maaari ring ihain ang petisyon sa mga asosasyon na nag-aastang korporasyon sa Pilipinas kahit na hindi ito "legally incorporated."
Nakatakdang mapaso ang legislative franchise ng ABS-CBN sa pagtatapos ng Marso habang hindi pa
rin naipapasa ang mga panukalang batas na humihiling ng renewal nito sa Kongreso.
Walang kinalaman si Duterte?
Sa ulat
ng DZMM, na
hawak din
ng ABS-CBN,
sinabi
ni presidential spokesperson Salvador Panelo na
walang
kinalaman si Duterte
sa
aksyon
ni Calida.
"
Ang
p
angulo, 'di
nakikialam
sa
trabaho
ng
ibang departments and offices. Palagi
niyang
sinasabi, 'let the law take its course,'"
paliwanag
ni Panelo.
"Ang bawat heads ng departments, may kaniya-kaniyang tungkulin. Ang pangulo 'di nakikialam doon."
Disyembre nang sabihin ni Duterte sa mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lang nila ang television network.
Dati na ring sinabi ni Digong na hindi niya ipa-re-renew ang prangkisa ng ABS-CBN kung siya ang masusunod sa dahilang hindi raw nila in-ere ang kanyang mga patalastas noong nangangampanya pa siya sa pagkapangulo noong 2016 kahit na bayad na ang mga ito.
Panghihimasok sa lehislatura?
Sa panayam naman ng ANC, sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na panghihimasok ito sa karapatan ng Kongreso na maggawad at magbawi ng mga prangkisa.
"
[
H]inihiling
ko
na i-uphold
ng Korte Suprema
ang separation of powers at
kinalanin
ang exclusive jurisdiction
ng Kongreso na
magkansela,
magbigay at muling
baguhin
ang
mga
prangkisa."
Sinabi rin niya na panggigipit sa kalayaan sa pamamahayag ang ginagawa ngayon sa ABS: "Naniniwala akong harassment ito sa ating press."
Sa
panig
naman
ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel,
kwestyonable at
nakababahala
ang
ginagawa
ni Calida.
"Kongreso lang ang may kapangyarihan na magbigay o magkansela ng prangkisa," wika niya. Ni hindi pa
rin daw sila nakapagsisimula ng mga pagdinig kaugnay ng renewal.
Wala pa namang inilalabas na opisyal na pahayag ang kumpanya kaugnay ng ginawa ng solicitor general.
'Banyagang pagmamay-ari'
Hindi pa isinasapubliko ang kabuuang kopya ng petisyon, ngunit sa pahayag na ibinigay sa media, ibinintang ng OSG na hinahayaan daw ng ABS-CBN na makapamuhunan sa kanila ang mga banyaga.
Nakasaad sa 1987 Constitution na tanging mga Pilipino lamang ang may karapatang magmay-ari at magpatakbo ng mass media.
"
Katulad
ng Rappler,
nagbigay din
ng Philippine Deposit Receipts
ang ABS-CBN
sa
mga
dayuhan
gamit
ang ABS-CBN Holdings Corporation,
na
paglabag foreign ownership restriction
sa mass media,"
paliwanag
ng OSG.
Ang PDDR ay nagbibigay ng "passive economic interest" sa mga dayuhan sa isang kumpanyang Pilipino.
Maliban
diyan,
sinabi
rin
ni Calida na
inabuso
ng Kapamilya network
ang
pribilehiyong
ibinigay
sa
kanila
ng
estado
nang i-launch
ang pay-per-view channel na KBO
sa ABS-CBN TV Plus
kahit na
walang permit
mula
sa National Telecommunications Commission. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag