4 PDP-Laban solons lumipat sa NUP

MANILA, Philippines – Apat na miyembro ng ruling party PDP-Laban ang lumipat sa bakod ng National Unity Party (NUP).

Nanumpa sa harap ng mga miyembro ng NUP sina Deputy Speaker Bo­yet Gonzales, Laguna Rep. Dan Fernandez, La Union Rep. Sandra Eriguel at Cagayan de Oro Rep. Rolando Uy.

Ang apat na kongresista, ay kabilang na sa 49 na district congressmen at 12 party-list representatives na miyembro ng NUP sa 18th Congress, kaya ngayon ang grupo ang pang-apat sa mga Partido na may pinakamaraming miyembro ng kongreso.

Ayon kay Gonzales, naengganyo siyang lumipat sa NUP dahil nanatiling matibay ang samahan ng mga miyembro nito kahit magpalit-palit man ng presidente.

Naniniwala naman si Fernandez na mas makakatulong siya sa pagtupad ng legislative agenda ng pangulo sa pamamagitan nang paglipat sa NUP.

Ayon naman kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, presidente ng NUP na ang kanilang partido ay laging naka-align sa administrasyon at habang dumarami ang kanilang bilang ay mas maganda ang kanilang koordinasyon sa isinusulong na panukala ni Pangulong Duterte.

 

Show comments