PNP training facilities isasailalim sa lockdown
MANILA, Philippines — Ikinokonsidera na ng Philippine National Police (PNP) na isailalim sa pansamantalang lockdown ang mga training facilities nito upang matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng mga kadete at trainees laban sa coronavirus.
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Chief Police General Archie Gamboa na ang tinutukoy ay ang Philippine National Police Academy (PNPA) at ang National Training Police Institute (NPTI).
Ayon kay Gamboa, makikipagkoordinasyon muna sila sa Department of Health (DOH) sa bagay na ito.
Ayon pa kay Gamboa, kapag naisailalim sa temporary lockdown ang nasabing mga training facility ay wala nang iba pang papapasukin sa loob ng naturang mga kampo maliban na lamang sa mga pulis na nakatalagang bantay dito.
- Latest