MANILA, Philippines — Nagsama-sama kahapon ang iba’t ibang transport groups para tutulan ang pagsasapribado ng Motor Vehicle Inspection Service ng Land Transportation Office (LTO)
Sa ginawang paglulunsad sa Quezon City ng National Public Transport Coalition, sinabi ni Atty Ariel Inton na bubuo sila ng manifesto patungkol sa MVIS privatization para isumite sa Kongreso, Senado, Department of Transportation at Malakanyang upang ipaalam ang sentimyento ng iba’t ibang transport groups hinggil dito.
Anila, hindi makikinabang ng husto ang transport sector sa planong pagsasapribado ng MVIS kundi ang mayayamang kapitalista lamang.
Sinabi rin ni Efren de Luna, President ng Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) na hindi na kailangan pang palitan ang kanilang mga sasakyan ng bagong unit dahil ang importante rito ay roadworthy ang mga sasakyan at ligtas sa biyahe ang mga pasahero ng sasakyan.
Hindi rin anya makatwiran ang plano ng pamahalaan na isoli ang franchise ng kanilang sasakyan para gawin na lamang mga kooperatiba. Pinaghirapan anya ng mga operator na magkaroon ng franchise noon pa man para maging legal ang operasyon ng mga pampasaherong sasakyan.