^

Bansa

Transport groups kapit-bisig kontra MVIS privatization

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsama-sama kahapon ang iba’t ibang transport groups para tutulan ang pagsasapribado ng Motor Vehicle Inspection Service ng Land Transportation Office (LTO)

Sa ginawang paglulunsad sa Quezon City ng National Public Transport Coalition, sinabi ni Atty Ariel Inton na bubuo sila ng manifesto patungkol  sa MVIS privatization para isumite sa Kongreso, Se­nado, Department of Transportation at Ma­lakanyang upang ipaalam ang sentimyento ng iba’t ibang transport groups hinggil dito.

Anila, hindi makiki­nabang ng husto ang transport sector sa planong pagsasapribado ng MVIS kundi ang mayayamang kapitalista lamang.

Sinabi rin ni Efren de Luna, President ng Allianced of Concerned Transport Organization (ACTO) na hindi na kailangan pang palitan ang kanilang mga sasakyan ng bagong unit dahil ang importante rito ay roadworthy ang mga sasakyan at ligtas sa biyahe ang mga pasahero ng sasakyan.

Hindi rin anya makatwiran ang plano ng pamahalaan na isoli ang franchise ng kanilang sasakyan para gawin na lamang mga kooperatiba. Pinaghirapan anya ng mga operator na magkaroon ng franchise noon pa man para maging legal ang operasyon ng mga pampasaherong sasakyan.

MOTOR VEHICLE

PRIVATIZATION

TRANSPORT GROUPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with