^

Bansa

Pinay sa Hong Kong naka-quarantine

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Pinay worker sa Hong Kong ang kasalukuyang naka-quarantine matapos ma-expose sa dalawang bisita ng kanyang amo na positibo sa coronavirus.

Pero ayon sa Philippine Consulate sa HK, wala namang nakikita na anumang palatandaan na ang Pinay ay mayroon nang impeksyon ng nasabing sakit at nasa malusog itong panga­ngatawan.

Ngunit bilang bahagi anya ng mahigpit na protocol sa naturang bansa, at sa gitna ng heightened emergency alert, maging ang mga healthy individuals ay maaring isailalim sa quarantine procedures sa oras na mayroon itong proof of contact.

Siniguro naman ng Philippine Consulate General na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa HK Department of Health at minomonitor ang kalagayan ng natu­rang Pinay maging ang kinakailangan nitong tulong.

Umaasa rin ang konsulado na agad makakalabas ang Pinay.

Nabatid na nasa 238,000 Filipino ang nasa HK simula pa noong October 2019 na ang 219,000 ay domestic workers at nasa 20,000 ay mga residente na.

Kahapon ay pansamantalang isinara ang sikat na amusement parks na Disneyland at Ocean Park upang maiwasan ang pagkalat ng bagong strain ng virus na nagmula sa Wuhan, China.

CORONAVIRUS

PINAY WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with