Pagluwa ng asupre ng bulkang Taal tumaas
BATANGAS, Philippines — Tumaas ang naranasang pagluwa ng asupre ng Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras habang isinusulat ito.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na, habang patuloy na nagkakaroon ng seismic activity sa bulkan, tumaas ng average na 409 tonelada ng asupre ang nailuwa nito sa nakalipas na 24 oras na mas mataas sa 224 tonelada na naitala noong Biyernes.
Gayunman, ayon sa Phivolcs, pinakamataas pa ring sulfur emission ang average na 5,299 tonelada na naitala sa Bulkang Taal makaraang sumabog ito noong January 13.
Bukod sa pagtaas ng pagluwa ng asupre ng bulkan, nakapagtala din ito ng weak to moderate emission ng white steam-laden plumes na may 100 hanggang 800 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan at nalusaw sa may timog kanluran.
Nakapagtala naman ang bulkan ng 420 volcanic earthquakes kabilang na dito ang 11 low-frequency earthquakes.
Patuloy namang nasa Alert Level 4 ang status ng bulkan at patuloy na pinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 14 kilometer permanent danger zone mula sa bulkang Taal.
Related video:
- Latest