‘Ugnayan ng Pinas at China hindi mapuputol’ – Duterte
MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year kahapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang selebrasyon ng Chinese-Filipino community ay patunay nang matatag at hindi na kayang putuling relasyon ng Pilipinas at ng China.
Ayon pa sa Pangulo, ang pagdiriwang ay maituturing na isang bagong simula at pag asa para sa pag unlad ng bansa.
Idinagdag ng Pangulo na ang pagyakap ng mga Filipino sa pagdiriwang ng Chinese New Year na parang sariling selebrasyon ay patunay ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at China na pinatatag ng panahon.
Samantala, hinikayat din ng Malakanyang ang publiko na manatiling mapagkumbaba at matalino ngayong taon ng ‘Metal Rat.’
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, dapat ring magtulungan ang lahat sa gitna ng mga nangyaring kalamidad at epidemiya.
- Latest