MANILA, Philippines — Ang Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) dadagsain ng mga mahilig sa photography. Ang PhotoWorld Asia 2020 ang pinakamalaki at grandiyosong photography event sa bansa na gaganapin sa Makati City mula Enero 30 hanggang Pebrero 4.
Sinabi ni Ms. Eduviges Y. Huang, chairperson ng Federation of Philippine Photographers Foundation (FPPF) na siyang organizer ng Photoworld Asia, ay mga batikan at multi-awarded photographer ang mga speaker sa pagtitipon ng mga photographer sa Asian Institute of Management (AIM) sa Makati City.
Si Engr. James Singlador ng Samahang Litratista ng Rizal (SLR) isang multi-awarded photographer ang PWA 2020 chairman. Bilang event chairman, si Singlador ang overall in-charge ng mga paghahanda sa mga aktibidades ng trade show sa Glorietta Ayala Malls at ang international photographers conference sa AIM Convention Center.
May dalawang bahagi ang pagdiriwang: Photography trade show sa Glorietta kung saan itatampok ang pinakahuli at pinaka-modernong mga produkto ng industriya ng mga manufacturer at supplier at ang kumperensiya ng mga photographer kung saan marami silang matututunan tungkol sa photography.
Ang tema ng PWA 2020 ay “Travel and Lifestyle.”
Ang trade show sa Glorietta ay libre samantalang ang kumperensiya sa Enero 31–Peb 2 ay may entrance fee. May diskuwento sa mga senior citizen, estudyante, at may mga kapansanan. Para sa ibang detalye, tumawag sa FPPF c/o Kim Salvador/Mae Murphy, Femii Bldg., A. Soriano St., Intramuros, Manila, tel. 8524-7576/8524-0371 o bisitahin ang www.photoworldmanila.com.