MANILA, Philippines — Epektibo ngayong buwan ay papatawan na ng karagdagang excise tax ang alak at e-cigarettes.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas.
Sa ilalim nito, tataas ang sin tax sa alak ng P35 hanggang P50 habang ang e-cigarettes ay tataas ng P25 hanggang P45.
Inaasahang makakalikom ng P24.9 bilyon ang gobyerno sa bagong sin tax law na gagamitin sa pagpondo sa Universal Health Care program.
Bukod dito, nakapaloob din ang probisyon na ibaba ang presyo ng mga gamot para sa sakit sa puso, diabetes at high-cholesterol upang huwag ng patawan ng value added tax simula Enero 2020.
Ang mga gamot para sa mental health, cancer, tubercolosis at kidney diseases ay magiging VAT-free simula Enero 2023.