^

Bansa

Batas sa dagdag buwis sa alak, e-cigarettes pirmado na ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Batas sa dagdag buwis sa alak, e-cigarettes pirmado na ni Duterte
Sa ilalim nito, tataas ang sin tax sa alak ng P35 hanggang P50 habang ang e-cigarettes ay tataas ng P25 hanggang P45.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Epektibo ngayong buwan ay papatawan na ng karagdagang excise tax ang alak at e-cigarettes.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos lagdaan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang bagong batas.

Sa ilalim nito, tataas ang sin tax sa alak ng P35 hanggang P50 habang ang e-cigarettes ay tataas ng P25 hanggang P45.

Inaasahang makakalikom ng P24.9 bil­yon ang gobyerno sa bagong sin tax law na gagamitin sa pagpondo sa Universal Health Care program.

Bukod dito, nakapaloob din ang probis­yon na ibaba ang presyo ng mga gamot para sa sakit sa puso, diabetes at high-cholesterol upang huwag ng patawan ng value added tax simula Enero 2020.

Ang mga gamot para sa mental health, cancer, tubercolosis at kidney diseases ay magiging VAT-free simula Enero 2023.

BATAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with