^

Bansa

Murang liver transplant sa NKTI tututukan ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senador Christopher Lawrence “Bong Go” ang ilang solusyon ukol sa problema sa napakamahal na liver transplant sa bansa.

Sa naturang solusyon anya, darating ang panahon na hindi na kakailanganin ng mga Filipino na pumunta sa ibang bansa at gumastos ng mahal para lamang sa liver transplant. Bubuhusan na ng pondo ng pamahalaan ang pagbili ng mga kagamitan at maging training ng mga doktor sa ibang bansa para sa liver transplant operation.

Sa ngayon, ang liver transplant operation ay mas mahal ng halos tatlong beses sa P1.2 million halaga ng naturang operasyon sa bansang India. Tanging mga pribadong ospital lamang sa bansa ang may kakayahang gumawa nito.

Ani Go, ang short-term solution ay ang pagbuo ng consortium sa pagitan ng Office of the President (OP), Department of Health (DOH), Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at The Medical City (TMC), isang pribadong ospital.

Ang long-term solution naman ay ang pagbili ng mga makabagong kagamitan para pagandahin at gawing advance ang pasilidad ng NKTI. Kasama rin sa plano ang pagpapadala ng mga Pinoy specialist staff sa Kaohsiung Chang-Gung Memorial Hospital (KCGMH) sa Taiwan para sumailalim sa training.

Iminungkahi rin ni Go ang pagkilos ng ilang sa­ngay ng pamahalaan tulad ng DOH para makakuha pa ng ibang assistance ang mga pasyente at mas mapagaan pa ang pagbabayad sa kanilang ospital.

 

LIVER TRANSPLANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with