Digong ‘di na dadalo sa US-ASEAN summit

MANILA, Philippines — Hindi dadalo sa US-ASEAN special summit si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marso 2020.

Ito ang tiniyak ng Pangulo sa exclusive interview sa kanya ng Russian television.

Siniguro ng Pangulo sa panayam sa kanya ng RT noong Martes na bagamat may imbitasyon sa kanya upang dumalo si US Pres. Donald Trump para sa US-ASEAN summit sa Marso na gagapin sa Las Vegas, Nevada ay hindi siya dadalo rito.

Aniya, hindi pa niya nakakalimutan ang gina­wang pagbatikos sa kanya ni dating US Pres. Barack Obama sa isang press conference.

Wika ng Pangulo, binastos siya ni Obama at hindi kinilala bilang isang head of state.

Sabi ng Pangulo, ang dapat ginawa ni Obama ay inireklamo siya sa UN sa halip na batikusin sa press conference.

Idinagdag ng Pangulo, binatikos at minura niya si Obama sa ginawang pambabastos sa kanya.

Show comments