^

Bansa

Matapos kanselahin ang US visa ni Dela Rosa, Go titignan kung damay siya

James Relativo - Philstar.com
Matapos kanselahin ang US visa ni Dela Rosa, Go titignan kung damay siya
"Sa tingin ko may kinalaman 'to sa US 2020 federal budget na may probisyong magbabawal sa pagpasok ng ilang opisyal ng Philippine government sa Estados Unidos na may kinalaman sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima," sabi ni Go sa Inggles.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Aminado si Sen. Christopher "Bong" Go na titignan na niya ang status ng kanyang travel permit patungong Estados Unidos matapos ikansela ang US visa ng kaalyado sa pulitika na si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.

"Sa tingin ko may kinalaman 'to sa US 2020 federal budget na may probisyong magbabawal sa pagpasok ng ilang opisyal ng Philippine government sa Estados Unidos na may kinalaman sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima," sabi ni Go sa Inggles.

"Kung gayon nga, sasabihin ko na uli ang nasabi ko na noon. Ang pagkakakulong ni De Lima ay pagtalima lang sa utos ng korte."

Disyembre taong 2019 nang lagdaan ni US President Donald Trump ang kanilang 2020 budget kalakip ng nasabing probisyon, alinsunod sa Global Magnitsky Human Rights Accountability Act na nagpapataw ng "sanctions" sa mga banyagang may direkta at indirect na pananagutan daw sa katiwalian at paglabag sa karapatang pantao.

Ayon sa probisyon, "wrongful" diumano ang pagkakakulong ni De Lima noong 2017, na idiniin sa pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prison noong siya'y Justice secretary pa.

Itinatanggi hanggang sa ngayon ng nakapiit na senadora ang mga alegasyon, at sinasabing binabawian lamang siya dahil sa pagiging kritiko niya ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Isa si Dela Rosa, na kaalyado nina Go at Duterte, sa mga sumuporta sa pagkakakulong ni De Lima.

"Walang political persecution sa kaso ni De Lima," patuloy ni Go, na dating special assistant to the president, sa ulat ng ABS-CBN.

Sabi pa niya, kukumpirmahin daw niya kung nadamay siya sa visa cancellation oras na magdesisyon si Duterte na dumalo sa US-ASEAN summit sa Marso: "Mamaya ko na check kung meron na sked going sa USA. So far wala pa."

Sa Kapihan sa Senado forum ngayong Huwebes, sinabi naman ni Sen. Imee Marcos na dapat magtungo si Digong sa nasabing summit upang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

"Respeto sana sa respeto. 'Wag tayong manghimasok sa isa’t isa. This is not the way to go," ani Marcos, bagama't aminadong may karapatan ang Amerika magdesisyon kung sino ang papapasukin sa kanilang bansa.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na nalulungkot siya sa kanyang kinasasapitan, lalo na't nalaman niya ito isang araw bago ang kanyang kaarawan.

"Nakuha ko ang opisyal nilang sagot isang araw bago ang birthday ko, ika-20 ng Enero. Ang gandang birthday gift," wika ni Bato sa reporters.

Wala naman daw dahilan na binanggit sa kanya kung kinansela ang kanyang visa.

Maaari pa rin naman daw siyang mag-apply uli para sa isang visa ngunit subject pa raw ito sa mga batas at panuntunan ng Amerika.

Lorenzana susunod?

Samantala, naglinaw naman si Marcos patungkol sa una niyang pahayag na kinansela rin ang visa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Aniya, nakarating lamang ito sa kanya bilang tsismis.

"Mga tsismis lang. Hindi ko naconfirm [kay Lorenzana]," sabi ng senadora.

"Baka sila rin, 'yung mga kapulisan din, mga military, nasa [Department of National Defense] din. Mga haka-haka 'yan."

Sa ulat ng CNN Philippines, sinabi naman ni Lorenzana na wala pa namang nagsasabi sa kanya kung kinansela na rin ang kanyang visa.

Human rights groups sa isyu

Ikinatuwa naman ng Human Rights Watch ang aksyon ng Amerika laban kay Dela Rosa, lalo na't siya ang nanguna sa madugong gera kontra droga ni Duterte noong siya'y hepe pa ng Philippine National Police.

"In revoking Senator Ronald dela Rosa’s visa, the US State Department has exercised its authority to deny visas to persons implicated in gross human rights abuses," sabi ni John Sifton, Asia advocacy director ng HRW.

Sabi ni Sifton, nangangahulugan daw ito na mayroong pagbabago sa polisiya ng Amerika pagdating sa "war on drugs" ng Pilipinas.

Dagdag niya pa, kinakailangang palawigin ito ng US sa lahat ng iba pang government officials na may kinalaman sa "mass kilings" na may kaugnayan sa kampanya ni Duterte.

"Dela Rosa presided over a Philippine National Police that routinely shot and killed drug suspects, claiming without proof they resisted arrest," patuloy niya.

Maliban dito, maaari raw na mas malaking problema kumpara sa visa ang harapin ni Dela Rosa pagdating sa US.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with