^

Bansa

Tuition increase nais ipatigil dahil sa Taal eruption, sunud-sunod na sakuna

James Relativo - Philstar.com
Tuition increase nais ipatigil dahil sa Taal eruption, sunud-sunod na sakuna
Kuha ng San Gregorio Integrated School in Laurel, Batangas na nagsisilbing evacuation center ng mga biktima ng Bulkang Taal.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Dahil sa perwisyong idinulot ng pagputok ng Bulkang Taal, bagyong "Ursula" at "Tisoy," at mga lindol sa Mindanao noong Disyembre, nananawagan ngayon ang isang mambabatas na harangan muna ang sa pambansang saklaw.

"Maliban sa pagsusumikap nating mangalap ng agarang relief at ayuda sa mga apektadong komunidad, kailangan ang tuition moratorium para mabigyan... ang mga magulang at estudyante ng sandaling ginhawa habang itinitindig nila ang kanilang mga bahay at buhay," ani Rep. Sarah Elago (Kabataan party-list) sa Inggles.

Sa datos ng Department of Education, sinasabing 1,000 mula sa 2.4 milyong estudyanteng apektado ng pagputok ng Bulkang Taal ang hindi pa rin makapasok ng paaralan.

Sa 78 pampublikong paaralan na matatagpuan sa loob ng 14-kilometer radius danger zone sa paligid ng bulkan, nasa 30,814 na estudyante't 1,055 kawani naman daw ang tinamaan, dagdag ng militanteng mambabatas.

Isang buwan pa lang ang nakalilipas nang tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur at Typhoon Tisoy sa Kabikulan.

Nitong Enero, magugunitang umabot ng P3.4 bilyon halagang pinsala ang idinulot ng Typhoon Ursula sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas and Central Visayas — bukod pa sa 50 patay at 362 sugatan.

"Anumang [tuition and other school fee] increase ay mangangahulugan ng dagdag na pasanin, na pinalalala na ng pagtaas ng presyo ng bilihin, mababang sweldo at kontraktwalisasyon," sabi ni Elago.

Narito ang tantos ng pagtaas ng matrikula sa mga nakaraang taon, ayon sa Commission on Higher Education at mga mambabatas:

  • 2017-2018 (6.96%)
  • 2018-2019 (10.88%)
  • 2019-2020 (10.7%)

Kaugnay nito, nakatakdang magsagawa ng lobbying effort ang mga lider-estudyante para sa tuition and other school fee, o TOSF, increase moratorium sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw.

Evacuation vs education?

Pagpapatuloy ng Kabataan party-list, nasa 1,600 classrooms mula sa 141 public schools ang tinutuluyan ngayon 58,000 kataong lumikas dahil sa pag-aalboroto ng Taal.

Matatandaang tinutulan ni Education Secretary Leonor Briones ang paggamit sa mga institusyong pang-edukasyon bilang pansamantalang tirahan sa dahilang sagabal daw ito sa pag-aaral ng mga bata.

"Sana iwasan natin ‘yung paggamit ng school buildings as evacuation centers dahil nadi-disrupt ang classes," ani Briones noong Biyernes.

Bilang tugon, nakikipagnegosasyon na ang DepEd sa mga lokal na gobyerno upang makapagtukoy ng mga lugar kung saan maaaring magtayo ng temporary shelters ng evacuees.

"[N]gayon, pag-uusapan kung maghanap ng lugar kung saan makaput-up ‘yung tinatawag nilang temporary learning shelters," wika pa ng kalihim ng Edukasyon.

Sa panig naman nina Elago, panahon na raw upang talakayin ang panukalang batas nila na naglalayong magtayo ng permanenteng evacuation centers para hindi na maantala ang mga klase ng public schools sa tuwing magkakaroon ng sakuna. — may mga ulat mula sa News5

DEPARTMENT OF EDUCATION

EARTHQUAKE

KABATAAN PARTY-LIST

SARAH ELAGO

TAAL VOLCANO

TISOY

TUITION FEE INCREASE

URSULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with