^

Bansa

DDR at kahandaan sa kalamidad, sadyang kailangan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
DDR at kahandaan sa kalamidad, sadyang kailangan
Higit na kailangan ang mabisang “unity of command” gaya ng layunin ng panukalang Department of Disaster Resilience.
Russell Palma, Miguel De Guzman/ File

MANILA, Philippines — Higit na kailangan ang kahandaan sa kaso ng mga hindi matantiyang kalamidad, gaya ng kasalukuyang pagsabog ng Bulkang Taal.

Higit na kailangan ang mabisang “unity of command” gaya ng layunin ng panukalang Department of Disaster Resilience (DDR).

Ayon ka Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee at pa­ngunahing may-akda ng DDR bill, ipinahihiwatig ng matitinding kalamidad na tumamama sa bansa nitong ilang buwang nakaraan, pati na ang kasaluku­yang pagsabog ng Bulkang Taal, ang kahalagahan ng Phivolcs at PAGASA bilang “warning agencies’ na dapat maging bahagi ng DDR.

Muling umapela si Salceda na madaliin ang pagpasa ng panukalang DDR ng Senado kung saan ito nakabinbin. Pumasa na ito sa Kamara nitong nakaraang taon. Itinalaga itong prayoridad ni Pangulong Duterte.

Pinuna rin ni Salceda na, sa naganap na mga kalamidad, sadyang halata ang kawalan ng kahandaan ng lahat, dahil sa kakulangan ng sapat na impormasyon at masusing pagsusuri na sadyang layunin ng panukalang DDR.

BULKANG TAAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with